Miles Point Of View* Nakatingin ako sa kanila ngayon. Sa totoo lang nasasaktan ako pag umiiyak sila ngayon na parang kumikirot ang puso ko. "Ang katotohanan ay...." Napatingin ako kay Mom. Natihimik siya na parang kinakabahan na sabihin sa akin ang katotohanan. Naintindihan ko sila dahil ramdam ko din ang nararamdaman nilang kaba ngayon. Dahil yun din ang nararamdaman ko kanina. "Kaya kong makinig sa kung ano man ang sasabihin ninyo... I miss you so much, Mom and Dad." Natigilan sila at napatingin sila sa akin na di mapigilan ang luhang lumalabas sa mga mata nila. "H-How... Paano mo nalaman na mga magulang mo kami?" Di makapaniwalang ani ni Mom sa akin. "Matalino ang mga magulang ko. Naniniwala ako na matalino din ang anak nila which is ako. Di ako manhid na di malaman ang katotoha