Miles Point Of View* Nakaupo kami ngayon sa upuan at di pa din natatapos ang party at kanina pa masamang nakatingin si Maxwell sa pamangkin niya. "Wife, pakiramdam ko pinagtataksilan mo ako." Napatingin naman ako may Maxwell dahil sa sinabi niya. "At bakit naman?" "Pakiramdam ko parang mas mahal mo pa ang batang yan kesa sa akin." "Pamangkin mo yan. Wag ka ngang ano diyan." "Hindi na yan bata. Binata na yan oh." "Tita, galit atah si Tito sa akin," malungkot na ani niya sa akin. Masama kong tiningnan si Maxwell na kinakunot ng noo ni Maxwell. "Seriously?" "Maxwell, gusto mo ba na hindi tayo magkatabing matutulong ngayon? Wag mo nga siyang awayin alam mo naman na birthday niya ngayon. Sweet sixteen niya ngayon." "Tita, I'm not a girl." "Mapa Girl o Boy ay kailangan dadaan talag