Miles Point Of View* Di pa din makapaniwala si Gia dahil sa sinabi ni Maxwell na ang black card ay hindi kay Maxwell kundi kay Miles. "Her... what? It's her Card? Imposible! I know it's yours." "Mrs. Pierce, kindly sign this paper?" Napatingin naman ako sa waiter at agad ko namang pinermahan ang paper. At ngumiting binalik ang papel sa waiter. "Thank you." Binalik naman sa akin ang black card ko na kinangiti ko. "H-How did you have that card if you're not employed? You don't have work. How? Are you rich?" nauutal na tanong nito sa akin at mahina naman akong natawa dahil sa sinabi niya. "Uhmm... I don't think so." Nagulat ako nung bigla niyang kinuha sa kamay ko ang black card ko na kinakunot ng noo ko at tiningnan niya iyon at nakatingin lang ako sa kanila at napangiti na lang a