Miles Point Of View* Nauna akong nagising at napatingin ako kay Sienna na mahimbing na natutulog ngayon sa tabi ko. Napatingin ako sa relo ko at alas 3 na pala. Matagal na pala kaming nakatulog. Napatingin ako sa phone ko at nakita ko na preparation namin ay ngayong alas 4 at mabuti naman at maaga kaming nagising. Dahan dahan naman akong umupo at nagstretching ako nang biglang gumalaw si Sienna at napatingin naman siya sa akin. "Miles, pasensya na at nakatulog ako." "Ano ka ba, ayos lang. Mabuti nga at naka beauty rest ka na." Napangiti naman siya. "Alam mo ang ayos ng tulog ko nung katabi kita? Dahil pakiramdam ko ay safe ako sa kahit ano." "Safe ka na dito kaya wag ka ng mag aalala sa bagay na yun. Masaya na din ako na aalis ako sa susunod na araw na di nag aalala sayo." "Paano