Miles Point Of View* Nakikita ko na di makapaniwala si Lucas sa narinig niya dahil sa walang planong pagsabi ni Dad sa kanya. Napailing iling siya at di makapaniwala sa sasabihin ng Dad niya ngayon. "Dad, Mom, what do you mean by that?" Natahimik naman silang dalawa sa tanong ni Lucas. "Nagpaplano ba kayo na di sabihin sa kanya ang katotohanan?" kalmadong ani ni Lucas na kinakalma niya muna ang sarili niya. Napatingin naman siya sa akin at inosente naman akong napatingin sa kanya na parang walang nalalaman sa nangyayari. "Gusto mo bang malaman kung ano ang sasabihin nila Dad at Mom?" "Sinabi na nila na matagal nang mag kaibigan sila Brother Maxelious at kilala din sila ng mga Uncles ko. Yun lang ang sinabi sa akin kahapon." "Yun lang?" "Bakit may kulang pa ba sa sasabihin nila?"