Miles Point Of View* Napa yawn ako habang nakaupo ngayon sa higaan ko at si Maxwell naman ay nakatayo na at siya ngayon ang naglalagay ng tubig sa bath tub namin. Gusto ko pang matulog pero anong oras na. Matagal naman kasi kaming nakatulog dahil sa pagpaplano kagabi sa kung ano ang gagawin namin sa kaarawan ngayon ni Sienna. Lumabas na si Maxwell sa banyo at napatingin naman siya sa akin. "Wife, are you still sleepy? Matulog ka muna." Dahan dahan naman akong napailing iling. "Kailangan gising ako baka magtaka sila kung bakit tulog pa ako." "Sabihin na lang natin na pinagod kita kagabi." Doon nabuhayan ang katawang lupa ko dahil sa sinabi niya. Jusko naman itong si Maxwell. "Gising na ako kaya tumayo ka na diyan. Wag ka ng mag imbento ng ibang sasabihin." Tumayo ako at lalakad sa