3rd Person's Point Of View* Maagang pumunta sa mansion nila Lucas si Kyler para gawin ang inuutos ng Lady Miles niya bago sila uuwi sa susunod na bukas. Wala naman ang may ari sa mansion dahil nandodoon pa sa mansion nila Sienna kaya ito ang oras para makahanap ng mga clues tungkol sa pagkatao nito. Ang gusto kasi ni Miles na malaman niya agad bago ito sabihin sa kanya once aalis na sila. Naglalakad ngayon si Kyler sa opisina ni Ophelius at agad na niyang hinack ang mga CCTV recordings para walang makapansin sa kanya. Inilibot niya ang boung opisina at napansin niya ang isang book shelves pero mamaya na niya titingnan iyon at pumunta muna siya sa mesa nito. Tiningnan niya ang mga files nito at pati na din ang mga papers. Nang biglang may napindot siya sa mesa at napakunot ang noo niy