Miles Point Of View* Naghalikan kami ni Maxwell at dahan dahan kaming naghiwalay na kinangiti namin. Mukhang nasasanay na ako sa pagka clingy niya. Pero nasa foreign country naman kami at di ako mahihiya dahil walang nakakakilala sa amin. Niyakap ko ang batok niya habang nagpatuloy kami sa pagsasayawan. Hanggang sa matapos na ang sweet music at nagpalakpakan ang lahat. Nagkatitigan naman kami ni Maxwell. "Let's go back?" "Okay, masakit na din ang paa ko." "Kanina mo pa sana sinabi para umupo na tayo." "Wala ehh I want that scenery." Napangiti na lang siya at napailing iling. Nakabalik na kami sa mesa at nakita namin na may nag aaway sa gilid at nung tingnan ko ay si Gia pala yun at napakunot ang noo ko dahil iba ang lalaking nakikita ko. Naka upo ngayon si Gia sa lap ng lalaki ha