Miles Point Of View* Bumalik na kami sa papasok sa kwarto dahil lumamig na ngayong gabi. Naglakad kami papasok sa mansion at mabuti wala na masyadong tao ngayon dito sa paligid at free lang kaming naglalakad dito. "Marami na pala tayong mga pinag daanan simula nung nagkita tayo." Napangiti ako at tumango. Kinuwento ko kasi sa kanya ang lahat ng nangyari noon pa man sa amin. "So matagal na palang nawala ang phobia ko sa mga babae noon. Natatakot ako nung maisip ko na baka maging allergic ako sayo." "Maniwala ka o sa hindi sa lahat ng babae ay ako lang ang nakakalapit sayo." Nagulat naman siya sa sinabi ko. "Really? Ikaw lang ang nakakalapit sa akin? Nahahawakan kita, nayayakap at nahahalikan na hindi lumalabas ang side effects ko?" "Oo nga. Kilala ako ng katawan ko noon." "Ganun..