Miles Point Of View* Habang nagbibihis ay naalala ko ang sinabi sa akin kanina ni Kyler na nangyari kay Maxwell. Nagka amnesia si Maxwell at hindi niya naalala na kinasal na kami at Asawa na niya ako ngayon. Kumirot naman ang puso ko dahil sa nangyayari ngayon. Biglang tumulo ang luha ko. Biglang sumakit kasi ang puso ko dahil sa naisip na baka once magkita kami ay di niya ako papansinin. *Sniff* Napatingin naman si Anna sa akin at nagulat siya dahil sa nakita niya akong umiyak. "Milady, bakit ka po umiiyak?!" nagpapanik na ani niya sa akin. Niyakap ko si Anna. Kailangan ko ngayon ng comfort at niyakap naman niya ako pabalik at hinaplos niya ang likod ko para pakalmahin ako. "Hubby..." "Ano pong nangyari, Milady? May nangyari po bang masama kay Master Maxwell?" nagpapanik na an