bc

BIT JOKE OF LOVE ( Tagalog )

book_age18+
3.8K
FOLLOW
15.2K
READ
arrogant
boss
maid
comedy
bxg
humorous
reckless
like
intro-logo
Blurb

Ang gusto sana ni Alleah ay makapag-asawa ng mayaman tulad ng naging kapalaran ng kanyang isang pinsan. Pero dahil sa kanyang mga kagagahan at kalokohan ay nagkaroon siya ng malaking utang sa isang mayamang lalaki, dahilan para tanggapin niya ang offer na maging yaya ng isang mayaman na bata. Nga lang ay naging boss rin niya ang lalaking mayaman na inutakan niya dahil magkapatid pala ang dalawa.

Simula niyon ay mas naging aso’t pusa pa sila ni Kael na kinauutangan niya.

Makakabayad kaya siya o makikipaglaro na lamang siya sa biro ng pag-ibig na pinasok niya?

chap-preview
Free preview
PART 1
"HWAH!" NAGHIKAB at nag-unat si Alleah ng kaniyang mga braso pataas upang magising na siya nang tuluyan. "Cubao! Cubao na!" paulit-ulit na sigaw na kasi ng konduktor ng bus na kaniyang sinakyan. Walong oras din ang naging byahe niya kaya kailangan niyang igalaw-galaw ang kaniyang espirito at katawan dahil sa pagkakabagot sa kakaupo. Kinalyo pa nga ang puwetan niya. Pagkatapos ay tumayo na rin siya. Nagsibabaan na ang mga kapwa niya pasahero. Bababa na rin siya at baka idiretso pa siya ni Mamang Driver sa Pasay na next na terminal. Malayo na iyon. At saktong pag-apak niya sa sementong sahig ng terminal ng bus ay tumawag si Jessy sa kaniyang cellphone. Pinsang buo niya si Jessy at dito siya makikitira. Makikipisan muna siya sa kaniyang pinsan habang wala pa siyang kakayahan na magsolo sa napakalawak na lungsod. Yes, naroon na siya sa Maynila at excited much na siya na maging isang manila girl na rin. Ngiting-ngiti na inilibot niya ang mga mata sa paligid. Excited na rin siyang magkalat. Ang balak niya kasi ay maghahanap siya ng mayamang lalaking paiibigin niya. At seryoso siya dahil kung ang iba ay trabaho ang hanap kapag lumuluwas ng Maynila, siya ay hindi trabaho kundi lalaki. Lalaking mayaman na magiging asawa niya. Sabi nga nila’y aanhin mo ang trabaho kung wala ka namang dyowang mayaman at guwapo. Opps, siya lang pala ang may sabi niyon. Basta iyon ang motto niya ngayon at wala silang pake. Malandi na siya kung malandi, pero may dahilan naman kung bakit siya mamimingwit ng mayaman. Pero bago siya magkuwento, sasagutin niya muna ang tawag ni Jessy. "Hello, Insan?" "Hello, Alleah? 'Asan ka na?" "Kadarating ko lang dito sa terminal ng Cubao. Ikaw nasa’n ka na?" Susunduin siya ni Jessy. Hindi pa kasi niya kabisado ang tinitirhan ni Jessy kahit dalawang beses na siyang nakarating doon. Tiyak na maliligaw pa rin siya kung siya lang ang babyahe. Ang gulo kasi ng kalsada ng Maynila. Ang daming pasikot-sikot. Parang nasa malaki siyang maze at imposibleng makalabas siya kapag naroroon siya. "Okay, sige sige. Wait mo lang ako d'yan, ha? Papunta na ako d’yan. Traffic lang kasi. Huwag kang aalis d’yan." "Okay. Notes.” Ibinaba na niya ang mumurahing cellphone. Isinilid ulit niya iyon sa kaniyang bulsa pagkuwa'y tumingin-tingin siya sa paligid. Tinungo niya ang bakanteng upuan na nakita niya. Uupo muna katulad nng ibang pasahero ng bus na mga naghihintay rin. At iyon na nga. Ito na ang kuwento niya. Kailangan talaga kasi niyang maghanap ng jowang mayaman dahil wala na siyang magulang. Ulila na siya bata pa lamang. Namatay ang kaniyang ama at ina dahil sa aksidente ng motor. Mula noon ang lola na niya ang nag-alaga sa kaiya. Sa kasamaang-palad ay namatay na rin ang kaniyang lola ilang buwan na ang nakakaraan dahil sa katandaan. Sa madaling salita ay siya na lang mag-isa. Wala na siyang maaasahan kundi sarili lamang niya. Mahihirap din kasi ang buhay ng mga kamag-anak nila kaya ayaw niyang maging pabigat sa kanila. Isa pa ay sawang-sawa na rin siya sa hirap ng buhay sa probinsya. Sawang-sawa na siya sa mga raket niya roon para kumita na hindi naman nakakayaman. Gusto na niyang umasenso. Gusto na niyang matulad sa isang pinsan niya na nakatsamba ng asawang mayaman kaya ngayon ay balitang nasa Canada at buhay reyna na. Ambisyosa na kung ambisyosa siya pero gusto niya talagang matulad sa kapalaran ng pinsan niyang iyon. Gustong-gusto niya kaya pursigido siya na nagtungo roon sa Maynila. Gagayahin niya ang kaniyang pinsan. Sa kahit na anong pamamaraan, kailangan na makahanap din siya ng asawang mayaman nang matapos na ang kaniyang kahirapan. Sa tagal ni Jessy. Nauhaw na si Alleah kakahintay. Tumayo siya at pakendeng-kendeng na tinungo ang isang convenient store na nakita niya sa malapit. Kaso sa kamalasan ay muntik na siyang mabangga ng isang magarang kotse na kulay itim na palabas sa terminal. "Ay yawah!" sambit niya nang malakas gawa ng gulat. Sira ang poise niya. Nganga. "G*go ka, ah! Sa ganda kong ito! Hindi mo ako nakita?!" at panduduro niya agad sa nagmamaneho kahit hindi niya nakikita kasi tinted 'yong salamin ng magarang kotse. At umagaw lahat ng pansin sa mga tao sa paligid ang pagwawala niya. Pero wala siyang pakialam. Ikaw kaya ang muntik nang mabanggga, magpapasalamat ka ba? "Bumaba ka d'yan!" paghahamon niya pa. Kahit maganda at sexy siya, pumapatol pa rin siya sa lalaki. Wala siyang kinakatakutan. Kapre nga sa punong mangga nila doon sa probinsya binato niya noon, eh. Oo. “Aba’t!” Hindi pa siya nakuntento, pumunta siya sa bandang driver's seat at doon nagwala. "Lumabas ka dito sabi! Hoy!" "Naku, Ma'am, tama na po. Kay Sir Kael ang kotseng ito. Siya po ang may-ari ng terminal," awat na sa kaniya ng guwardyang lumapit sa kaniya "Eh, ano naman ngayon?! Matandang uhugin na ba ang amo mo kaya hindi na niya nakita ang maganda at kaakit-akit na tulad ko?!" singhal niya. Pinamaywangan niya pa ang guwardya. "Pasensya na lang po sana kayo, Ma'am," sabi lang ng guwardya na patingin-tingin sa loob ng magarang sasakyan. Nabahala naman si Alleah. Umandar na kasi ang kotse. “Aba't dinedma talaga ako?!” Sinundan niya ang kotse."Hoy!" at mas malakas na sigaw niya. Hindi siya papayag na dedmahin lang ang beauty niya porket hindi siya napuruhan. "Tama na, Ma'am. Pagpasensyahan niyo na lang po si Sir Kael," sabi ulit ng guwardyang sumunod sa kaniya. Kung nakakamatay lang ang masamang tingin ay bumulagta na ang makulit na guwardya sa talim ng tinging ipinukol niya rito. Nang biglang may tila nag-ilaw na bombilya sa tuktok niya. Boss namin? Sir Kael? With kotse? Nakagat niya ang isang daliri napaisip. Mayamaya ay napangisi na siya. Naaalala niya 'yong nabasa niya sa pocketbook. Hindi ba sa mga pocketbook o sa mga online stories ay kalimitin ang unang pagtatagpo ng guwapong mayaman at mahirap na babae ay nagkakabanggaan? “Tama!” Bigla ay pumalakpak na ang mga tainga niya at nagningning ang mga mata niya na tila may US Dollar sign. Nakaamoy mayaman jowa na siya. "Eeeiihhhh!!!" mayamaya ay kinilig pa siya na parang tanga. “This is it na nga. 'Yung Sir Kael na 'yon ang hinahanap ko! Pinagtagpo na agad kami ng tadhana! Ang sweat naman! Este ang swet pala! s**t! Pati pronunciation ng 'sweet' hindi ko na alam! Pero never mind na nga lang!” “Ano’ng pinagsasabi niyo, Ma’am?” nagtatakang tanong sa kaniya ng security guard sa mga pinagsasabi niya. Hindi niya ito pinansin. "Sandali! Wait! Stop!" sa halip ay habol niya sa kotse. Parang baliw na siyang patakbo na nilapitan ang itim na kotse na nag-aantay na pagbuksan sa isang gate ng isang private place ng terminal. Humarang siya sa dadaanan ng kotse. Idinipa niya ang dalawang kamay. Hindi niya palalampasin ang pagkakataong makakikilala na agad siya ng isang mayamang lalaki. Hinding-hindi! At laking tuwa niya nang pagbuksan naman siya ng bintana sa may bandang driver's seat. "May problema ba, Miss?" kaso ay galit ang boses ng isang lalaking mataba. Napa-ngeeek sa loob-loob niya si Alleah at napangiwi. “Ang sabi ko guwapo na mayaman! Hindi baboy na mayaman! Ay naku naman!” "Ah, eh, wa-wala po. Sorry po," sabi na lang niya. Itinaas niya pa ang dalawang kamay na parang sumusuko sa pulis. Kahit desperada siya sa paghahanap ng mayamang jowa, eh, huwag naman 'yong mataba na nga ay may edad pa. Maasim ang mukha niyang nilunok niya ang kaniyang laway. "Tumabi ka at baka mabangga na talaga kita," pagsusuplado pa sa kaniya ng matabang lalaki. Tumabi na nga si Alleah. Hindi mailarawan ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Ngayon na siya hiyang-hiya sa ginawa. SA PASSENGER SEAT NAMAN NG KOTSE ay nakakunot-noo si Kael—ang totoong Kael. "What's the matter?" kaswal ang tinig nitong tanong kay Arthuro nang isinara ulit ni Arthuro ang salamin ng kotse. "Sir, baliw yatang babae," tipid na sagot nito sa kaniya. Kael shook his head in disgust. He loathed poor women, thinking they were all nothing but gold-diggers "Let’s go. Huwag mo na lang pansinin," utos niya nang magbukas na ang gate na bakal. He didn’t waste time on women he considered worthless. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit sinulyapan niya pa ang babae. Kitang-kita niya tuloy na inirapan at dinilaan nito ang kaniyang kotse. Nakusot ang kaniyang noo. No doubt, baliw nga ito na babae.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secret Marriage

read
128.9K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
113.1K
bc

Erin's Love Story (Tagalog-SPG)

read
45.4K
bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
485.2K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
56.6K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
253.4K
bc

Unwanted

read
530.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook