ISANG LINGGO ang nakalipas ay unti-unting bumalik sa katahimikan ang siyudad ng East Mountain Clan. At dahil sa katapatan ni General Rioh sa pamilya ni emperatris Yuki ay itinaas ang kanyang ranggo bilang superyor ng mga kasundaluhan. Iniutos ng emperatris mag-recruit para sa gustong magsundalo. Upang palawakin ang hanay ng mga kawal dahil mahalaga ito. Sinimulan rin nila ang pamimigay ng mga pagkain sa mahihirap. Mismo mga opisyales ang nagpunta sa bahay-bahay at kasama ang emperador at emperatris. Naroon rin si General Chung at ang kanyang asawa. Sa kauna-unahang pagkakataon ay naranasan ng mga opisyales ang paglilingkod sa pamayanan at nasisiyahan sila sa kanilang ginagawa. Lalo na at nakikita nila ang mga ngiti ng mga ito. Kaya sinabi nila sa emperatris na sila ang gagawa buwan-buw