HINAWAKAN ng manggagamot ang pulso ni Leny, at sinusuri ang kalagayan niya, habang ang asawa ay hindi pa rin napawi ang ngiti sa labi nito. "Magdalawang buwan na siyang buntis at wala kayong dapat ikabahala dahil maayos ang kapit ng inyong magiging anak," pahayag ng manggagamot. "Maraming salamat!" turan ni General Chung. "Bago umalis ang manggagamot ay inabutan ito ni General ng isang pirasong ginto. "Wife, aalis muna kami, pero babalik ako agad." "Sige, mag-ingat ka, ha." "Oo." Agad ng umalis ang dalawang heneral, kasama ang kanilang mga kawal ay umatake sila sa Snake Tribes "Mahal na hari, mahal na reyna, magpahinga muna kayo," utos ng emperatris. Sumunod naman ang dalawang matanda at hinatid ito ng dalawang alipin na dala nila emperatris. Lahat-lahat ng mga alipin ay di