NAWALAN ng malay si Nyleve at dali-dali itong hinubaran ni prinsesa Seahey, Sinuot niya ang damit ng walang malay na alipin at ginaya niya ang mukha ni Nyleve at lumabas na ito ng banyo. Kalmado siyang nagtungo sa kuwarto ni prinsipe Amayuki at naabutan niya ang isang alipin na pinapaypayan niya ang natutulog na prinsipe. Tumayo si Nelc nang makita niya si Nyleve. "Ikaw na ang bahala dito at babalik na ako sa bulwagan baka hinahanap na ako ni emperatris." "Uhm!" tanging tugon ni Nyleve. Inabot ni Nelc ang pamaypay at lumabas na ito ng kuwarto. Sinilip ni prinsesa Seahey kung nakakalayo na ba ang isang alipin, at nang matanto niyang wala na ito sa kaniyang paningin ay dali-dali niyang kinuha ang prinsipe mula sa higaan. Bago ito tuluyan na umalis ay nag-iwan siya ng maliit na sulat