Chapter 33 NASURPRESA si Sapphire nang makita ang naka-flash na pangalan ng kaibigang si Cecile sa kanyang smartphone. Katatapos lang niyang mag-asikaso ng tanghalian nilang mag-iina, at kasalukuyan siyang nagpupunas sa hand towel. She stared at the phone for a while before she decided to answer it. “Ces,” aniya pero matabang siya. “I heard the news. Okay ka lang ba?” “Ayos lang naman.” “Thank, God. Si Brail, kumusta?” “He’s better now, Ces. It’s been two weeks or more after that incident, and we’re doing fine.” “Uhmn, talaga?” anitong parang may pinipigil na naman na maging komento. “Sinong nagbalita sa'yo?” takang tanong ni Sapphy dahil sa totoo lang ay hindi naman iyon lumabas sa media. “Nasagap ko lang sa dating mga taga University. Alam mo naman na sikat ka at si