Chapter 56 MAHIGPIT na yakap ang ginawa ni Emerald sa anak na umiiyak. Alam nito ang iniiyak ni Sapphy pagkatapos ng lahat, ang pagkawala ni Cecile bilang matalik niyang kaibigan. She was so unhappy. Hindi niya alam kung bakit kailangan na si Cecile pa ang maging ganun sa kanya at kay Deene, dahil lang sa isang lalaki? Ngayon, napagtatanto ni Sapphire na matagal na dapat siyang naniwala sa sarili niya at hindi sa mga sinabi ni Cecile. Nawalan siya ng bait sa kanyang sarili. Iyon ang leksyon na kanyang natutunan sa nangyari sa kanyang buhay. “You think the storm is over, Ma?” She asked her mother. “The storm will always be there. Ang mahalaga ay kung paano niyo yun haharapin ni Brail na magkasama, anak. Sa lahat ng nangyari, kayo pa rin ang magkasama. Naniniwala ako na mas matata