Chapter 37 WALA pa man lang lang sinasabi ni Mona ay parang binundol na si Sapphire ng isang masakit na katotohanan. Ang mga luha niya ay agad na namuo sa kanyang mga mata, at nilingon ang anak na walang muwang. Nakaawang ang mga labi na tumingin siya kay Mona at mas lalo siyang nagulantang nang parang mga basang sisiw ang mga tauhan ni Braileys na sumulpot din sa may pintuan. “Ma'am…” mangiyak-ngiyak na sabi ng isa sa mga lalaki, “N-Naaksidente po si sir. Wala po siya…” agad yun na naiyak at siya ay hindi nakapagsalita. Tulala siya at napahawak sa sekretarya niya. Para siyang tinakasan ng lahat ng lakas na mayroon siya. Naglaho ang mga iyon na parang mga bula. She looked at Deene again and saw how her daughter stopped playing with her toy and looked at her. “Daddy?” tanong nun