Chapter 35 “SAPPHY!” ang lakas ng boses ni Brail nang bigla siyang magising at wala siyang asawang kinamulatan sa tabi niya. Jesus! Walang pakundangan niyang initsa ang kumot at balewalang tumakbo papunta sa pinto ng kwarto. Kinabig niya iyon at nagtatakang mukha ni Sapphire ang kanyang nabungaran. Papahigop sana ito ng kape pero nabitin dahil sa kanya. He sighed, and without a word, he hugged her. “Akala ko, nawala ka na,” aniya rito. “Silly. Sinilip ko lang ang anak natin saka kumuha na rin ako ng kape. You want?” anito sa kanya saka isinara ang pinto nang pakawalan niya. “I was awakened when your phone rang. Tumatawag si Daddy. Sabi ko, natutulog ka na. Nasa airport na raw siya. Tatawag daw siya kapag lumapag na ang eroplano. Kaya ba niyang mag-isa?” He chuckled, “He c