"BAKIT ANG PUTLA MO NGAYON?" tanong ni Rissi kay Clea nang magsama-sama silang lima sa condo unit ni Loisa. Araw-araw namang libre ang mga kaibigan niya, hindi tulad niya na ngayon ay mas abala na sa trabaho at sa day off lamang makakapagliwaliw kasama sila.
"What do you mean? Parang hindi naman?" tanong ni Clea at kinuha ang maliit na salamin sa loob ng bag niya. Pinagmasdan niya ang sarili. "H-hindi naman ah," aniya na indenial pa kahit napansin niya iyon sa sarili.
"Medyo maputla kang tignan ngayon kaysa no'ng nakaraan. Ayos ka lang ba sa bago mong work? Cle, kung nahihirapan ka or pinapahirapan ka nila I can tell my dad baka may bakante pa sa company," nag-aalalang sambit ni Angie habang titig na titig sa kaniya.
Mararamdaman mo ang pag-aalala ng mga kaibigan. Sobra siyang nagpapasalamat sa mga ito, dahil sa kabila ng pagbaliktad ng mundo niya ay narito pa rin sila; nakasuporta sa kaniya.
"Actually, okay naman ang work ko. Nakakapagod syempre, wala namang trabaho ang hindi nakakapagod. Is just that...." Hindi magawang ituloy ni Clea ang sasabihin kaya naman abang na abang ang mga kaibigan niya.
"Is just that?? What?" tanong ni Tiffany.
"Masungit ang boss mo?" dagdag pa ni Loisa.
Mabilis siyang umiling. "Hindi, w-wala naman."
Naningkit ang mga mata ng mga kaibigan niya. Pinag-ekis ang mga braso at masamang tumingin sa kaniya.
"Clea Buenaventura, ilang taon na tayong magkakaibigan. Alam namin kung kailan ka nasa mabuting kalagayan or hindi. Alam namin kapag may bagay na gumugulo sa 'yo, hindi maaliwalas ang awra mo," wika ni Loisa na ikinatango ng tatlo pa niyang kaibigan.
"So, tell us, what is it?" tanong ni Rissi at lumapit silang apat pabilog kay Clea.
Malalim siyang bumuntong hininga. "Remember the last time we went on a club? Then kayong apat hindi n'yo na maalala kung paano kayo nakauwi?"
Tumango ang apat nang sabay-sabay.
"Well... may isang guy akong naka-one-night-stand that night."
Nanlaki ang mga mata ng apat na kaibigan ngunit walang nagsalita, bagkus ay hinintay muli ang sasabihin niya.
"He's a masculine and attractive guy and ten years older than me," dagdag pa niya sa kuwento. Yumuko siya at pinamulahan ng magkabilang pisngi.
"And? Well, I know this is not you, Clea. Hindi ka ganoong babae. Pare-parehas tayong sobrang nalasing that night. So, what makes you stressed about it?" asked Angie. "I mean, let's say mali 'yon but... it's just one night. 'Wag mo nang problemahin 'yon—"
"I fvcked him again," putol niya sa sinasabi ni Angie, "and he's my boss now."
Mas lalong nanlaki ang mata ng mga kaibigan niya sa narinig. Hindi makapaniwala ang mga ito.
"Oh... my... God, Clea..." sabay-sabay na sambit ng mga kaibigan niya habang titig sa kaniya.
Isang napakalalim na buntong hininga ang pinakawapan niya. "And what stressed me now is... he's asking me to do it again. He's asking me to fvck him again. Hindi ko alam but... don't judge me, girls, I think I like this guy. Ayos lang sa 'kin kung gawin namin 'yon nang paulit-ulit kaya lang..."
"Kaya lang?" sabay-sabay na tanong ng apat na para bang isang choir sila.
Nagdadalawang isip siya sa isasagot sa huli ay nagdedisyon siyang hindi sabihin. "Kaya lang, natatakot akong may makaalam sa ginagawa namin dahil nasa isang kumpanya kami nagtatrabaho." Isa talaga iyon sa mga inaalala niya, bukod sa natatakot siyang mabuntis at ang tungkol sa pagkakaroon ni Elias ng nobya.
Hinawakan ni Loisa ang palad niya. "I don't think na sa ganito magsimula ang relationship n'yong dalawa. I know you like him, but—"
"It's okay, Clea, just do what makes you happy," putol ni Tiffany sa sinasabi ni Loisa. "Walang makakaalam basta wag lang sa opisina gagawin, normal naman ang mga ganitong bagay, you're adult. Isa pa hindi naman kayo sa kumpanya nagkakilala. Bago ka pumasok sa company kilala nyo na at may nangyari na sa inyong dalawa. What I can advise you now is... pagbukurin ang harot sa trabaho para hindi maapektuhan ang work place nyong dalawa."
"Well, may point ka naman," sang-ayon ni Angie at tumango-tango. Ganoon din si Rissi. Kaya lamang ay si Loisa ay hindi, ngunit mas pinili nitong manahimik.
Nakipagkwentuhan pa siya sa mga kaibigan, kumain sila ng pizza at chicken habang umiinom ng beer. Doon na rin sila nagpalipas ng gabi, tutal ay may baon naman siyang extrang damit para pumasok kinabukasan.
***
BAHAGYANG GUMAAN ang loob ni Clea nang maibahagi niya sa mga kaibigan ang tungkol sa kanila ni Elias. Datapwat ganoon pa man, hindi niya nais abusuhin siya ng lalaki kaya naman hindi niya na uulitin pa ang dalawang beses na pagkakamali.
Totoo ang sinabi niyang gusto niya si Elias at gumaan ang loob niya sa naging payo ng kaibigan, ngunit hindi niya nais na maging babae lamang sa kama. Kaya naman hindi na siya magpapadala pa ulit sa lalaking iyon.
"Good morning," bati niya sa mga katrabaho nang pumasok siya sa opisina.
Pagdating sa table niya ay may nakita niyang maliit na kahon ng brownies. Kumunot ang noo niya at luminga-linga sa paligid. May pangalan niya pa ito. "Kanino naman 'to galing?" tanong niya sa sarili at bahagyang kinagat ang ibabang labi nang maisip niyang ang boss niya ang may gawa nito, ngunit biglang nahagip ng mata niya ang nakasulat na pangalan sa gilid ng kahon. It's Kevin. Then she remembered the guys she met on tha park.
"Wow, may secret admirer ka ah," biro ni Fara sa kaniya.
Pinamulahan siya ng pisngi at itinago ang box ng brownies. Hindi niya alam kung saan banda ang finance department, ngunit naisip niyang puntahan ito maya-maya para makita si Kevin.
Sa paglalakad niya para hanapin ang finance department ay napagtanto niya kung gaano kalaki ang kumpanya at kung gaano karaming empleyado ang pumapasok dito araw-araw. Nang marating niya ang area ay kaagad nahagip niya ang pamilyar na mukha ng lalaking hinahanap niya. Kaagad niya itong nilapitan.
"Oh, Clea, it's nice to see you again," nakangiting bati nito.
Ngumiti siya pabalik. "Paano kang napadpad sa area ko kung napakalayo ng department mo sa table ko?"
Mahinang tumawa si Kevin at kumamot sa batok. "Did you see the brownies I placed on your table?"
Tumango siya. "Hindi mo na 'yon kailangan gawin, tinutukso tuloy ako ng mga kasama ko. Pero anyway, nandito ako para personal na magpasalamat. Paano mong nalaman na favorite ko ang brownies?"
Umiling ang lalaki. "Hindi ko alam, actually, naisip lang kita agad nong makita ko yung brownies sa isang coffee shop."
Ngumiti siya at muling nagpasalamat.
"Pwede ba kitang ayain mag-dinner mamaya?" tanong ni Kevin. "May bagong bukas kasi na restaurant malapit dito, gusto ko lang tikman ang pagkain nila. Wala kasi akong ibang maaya, and para rin mas makilala kita nang mabuti. I actually wants to be friend with you." Malapad ang ngiti ng lalaki.
Mabait ito sa kaniya at ramdam niya ang sincerity nito kaya naman hindi niya nagawang tumanggi. Natutuwa rin siya na may nakakausap nang ganito ka-close sa company kahit na magkalayo ang department nila.
Bumalik siya kaagad sa table niya at inayos ang schedule ni Elias. Nang dumating ito ay sinalubong niya at isa-isang binanggit ang mga schedule nito ngayong araw. Alas dos na itong pumasok dahil sa isang business meeting sa labas.
Nang pumasok ang lalaki sa opisina nito ay kaagad niyang ipinagtimpla ng kape. "Anything else you need, Sir?" tanong niya rito nang mailapag ang tasa ng kape sa lamesa ng lalaki.
Umiling si Elias at binuksan ang laptop nito. "Do you have plan for dinner tonight?"
Hindi niya alam kung bakit ito tinanong ng lalaki. "Wala naman po, bakit?"
"I want you to eat dinner with me."
Kumunot ang noo niya. "W-why?"
Elias sighed and looked at her. "I just want to eat dinner and talk to you. That's it."
Nagdadalawang isip siyang tumango at lumabas ng silid nang wala nang iba pang inutos ang lalaki. "I want you to eat dinner with me," ulit niya sa sinabi nito nang maisara niya ang pintuan. "Masiyadong bossy, ganoon ba talaga kapag matanda na? Eat dinner with your face!" bulong niya at nagtungo sa powder room.