NAPAKAGANDA ng umaga ni Clea. Nakangiti siya papasok sa opisina nang makasalubong niya si Kevin sa entrance ng gusali. Nang magkatitigan sila ng lalaki ay saka niya lamang naalala ang ipinangakong dinner dito kahapon. Nanlaki ang kaniyang mga mata at kaagad nilapitan ang lalaki. "Kevin, I'm sorry. Something came up yesterday and... nawala sa isip ko yung dinner natin. I'm sorry."
Ngumiti lamang ang lalaki at ginulo ang buhok niya. "It's okay. Marami namang next time."
Nakahinga siya nang maluwag sa naging tugon nito. "I'm really sorry. Mamaya puwede akong bumawi sa 'yo."
"Are you sure?" tanong ng lalaki.
Mabilis siyang tumango at ngumiti. "Pasensya ka na talaga. Marami lang din akong pinoproblema ngayon kaya nawawala sa isip ko yung ibang bagay. I hope hindi ka naghintay kahapon."
Nagsimula silang maglakad nang sabay papasok sa loob.
"Hindi naman, pagkatapos ko sa work umakyat ako para magpunta sa cubicle mo then I found out nakauwi kana. Can I get your number? So, I can call you or do you have i********:?"
Ibinigay niya sa lalaki ang kaniyang numero at i********:. Sa i********: sila nag-usap nang magtungo sa kani-kanilang department at cubicle.
Palabirong tunay si Kevin kaya naman habang nag-uusap sila sa chat ay hindi niya maiwasang mapangiti. Super jolly at talagang masarap itong kausap. Hindi sila nauubusan ng topics.
Abalang-abala siya sa cellphone at hindi na napansin ang kaniyang boss na nasa harap na ng kaniyang table.
Kunot ang noo ni Elias habang pinagmamasdan niyang nakangiti habang nagta-type sa cellphone. "You're not going to greet me and bring me a coffee?"
Naglaho ang ngiti niya nang marinig ang boses ng lalaki. Mabilis niyang ibinaba ang kaniyang cellphone at tumayo. "M-Mr. Adamson," wika niya at yumuko. "Pasensya na po, hindi ko napansin na nandito na kayo."
Napailing na lamang ang lalaki at pumasok sa opisina nito.
Napabuntong hininga si Clea. Nagtungo siya sa kitchenette para gumawa ng kape saka iyon dinala sa silid ng lalaki. "Your coffee, Sir. May ipag-uutos pa po ba kayo?"
Tumango si Elias habang abala sa pagbabasa sa screen ng laptop nito. "What's my schedule today?"
Kaagad niyang nirecite sa harap nito ang mga schdule na naka-book sa mga oras nito. "Na-resched po tomorrow ang dating ng VIP sa Grand Pavilion Hotel. That's all, Sir."
"Alright, are you free tonight?"
Umiling siya. "May dinner po ako with my friend."
Huminto si Elias sa ginagawa at tumingin sa kaniya nang seryoso. "Dinner with friend? A guy friend?"
Nagdadalawang isip siya kung sasagot ba o hindi. Tumango na lamang siya.
Hindi nagsalita si Elias ngunit dumilim ang awra nito. "I see, tsk," maiksing tugon nito at pumalatak. "Do you eat with a guy often?"
Kumunot ang noo ni Clea sa pagtataka.
Napailing na lamang si Elias. "You can go now." Iwinasiwas pa nito ang palad para paalisin siya.
Nagkibit balikat na lamang siya at lumabas. Gusto man niyang lumabas kasama ito ulit ngunit naisip niyang bumawi muna sa kaibigan at nahihiya siya kay Kevin. Nakokonsensya rin siya dahil nakalimutan naman niya talaga ang tungkol sa ipinangakong dinner dito kahapon.
Nakasalubong pa ni Clea ang Personal Assitant ni Elias na si Franco pagkalabas niya sa office ng lalaki. Matangkad na lalaki ito at tanned color ang balat. Palagi itong naka formal attire at sobrang seryoso.
Ngumiti siya rito at bahagyang yumuko saka bumalik sa kaniyang cubicle.
***
PAGLABAS NA PAGLABAS ni Clea ay pumasok si Franco sa opisina ni Elias bitbit ang ilang papers na pinasadya niyang ipakuha sa mansion.
"Mr. Adamson, nakuha ko na po ang mga papers at may pinapabigay sa inyo si Ms. Kitty." Inilapag ni Franco ang mga dala sa ibabaw ng kaniyang lamesa. "Your dad wants me to accompany her transfering to the villa."
Himbis na tignan ni Elias ang mga iyon at makinig sa sinasabi ni Franco ay naupo siya nang diretso sa kaniyang swivel chair at tinignan ang tauhan. "You know, Clea Buenaventura, right? My new secretary."
Tumango ang tauhan. "Yes, Sir."
"I want you to know who is this guy she will have dinner tonight with. Report me immediately."
"But—"
"No but. I need to know, and also... study this woman. Everything about her. Report me immediately."
Tumango ang lalaki.
"About Kitty. I'll talk to her when I get to the villa. Anyway, I think I know already who drugged me. I will confront her myself, no need to investigate about it."
Bumalik siya sa harap ng kaniyang laptop nang lumabas si Franco ng kaniyang silid. Sinikap niyang ituon ang atensyon sa trabaho ngunit hindi niya magawa. Clea is running on his head. He doesn't know what's with this woman that attracts him. She caught her interest at may utang na loob pa siya rito.
Kinuha niya ang folder na naglalaman ng mga documents ni Clea na ipinasa sa company. Lalong-lalo na ang CV nito. Nagtataka lamang siya dahil paanong nakapasok ito sa posisyon bilang kanyang sekretarya gayong wala pa itong karanasan sa trabaho. Masiyado siyang istrikto pagdating sa pagkuha ng kaniyang sekretarya dahil ayaw niya ng pamali-mali. Laking pasasalamat niya na lamang dahil hindi siya nagkaproblema kay Clea gayong baguhan lang ito.
Umiling siya at bumuntong hininga. Ininom niya ang kapeng dinala ni Clea at saka tuluyang bumalik sa trabaho.
Naging abala siya sa sobrang daming trabaho. Nagpa-deliver lamang siya ng pagkain para sa kaniyang tanghalian at maghapong nakaupo sa opisina. Inabot na rin siya ng gabi nang matapos. Pagtingin niya sa orasan ay alas siete na. Bumuntong hininga siya at nakaramdam ng pananakit ng likuran.
Kinuha niya ang kaniyang coat at lumabas ng silid para umuwi. Wala ng empleyado siyang naabutan at wala na rin si Clea sa table nito.
Naghihintay sa kaniya si Franco sa underground parking. Hinagis niya rito ang susi ng sasakyan at saka pumasok sa loob. Iniabot nito sa kaniya ang isang brown envelope saka siya ipinagmaneho paalis.
Inilabas niya ang mga laman ng envelope at doon nakita ang mga larawan ni Clea sa isang restaurant kasama ang isang lalaki. "So, it's Kevin. Tsk!"
Sunod niyang binasa ang result ng ginawa niyang pagpapaimbestiga tungkol kay Clea. Maasahan talaga si Franco.