Reedly looked at Red the whole time in class. Malapit na ang last exhibition para sa contest and she’s becoming worried every passing hour. Nakailang text na din siya kay Red na patawarin na siya nito sa nagawa niya. Pero hindi nito tinitingnan man lang ang message niya. Mukhang galit pa din ito sa mga nangyari. “Ok, class dismissed.” Ms. Manaysay looked at the clock of their classroom. Saka nito inayos ang mga gamit nito sa lamesa. Eksakto naman na tumunog ang bell at nagsitayuan na ang mga kaklase niya. They are probably excited dahil sa huling araw na ito ng showdown para sa exhibit. Yung iba nga niyang mga kaklase ay sumisigaw at tumatalon pa habang palabas ng klase. She felt her hands became clammy. Tumayo siya para sana kausapin si Red but Rica and Ayette held her arms. Sinun