Carra Jusko, si Rheus! Kaagad kong naibaba ang hawak kong cellphone nang mapansin kong nakatayo na siya sa may di kalayuan. Kahit na ang bibig ko ay naiwan pa na nakaawang dahil may sasabihin pa sana ako kay Ginno pero hindi ko na naituloy. Baka kung anu ano na naman ang sahihin ng hudyo kong asawa at kumg ano na naman ang isipin. He has a dirty mind anyway. And who hasn’t? Okay, marumi rin ang isip niya peeo dahil lang naman iyon sa mga mumunti niyang pagseselos. Take note, mumungi. “What are you doing?” tanong niya sa akin kaya pasimple naman akong nagkibit balikat. “Nakatayo.” Lalong nabuhol ang may kakapalan niyang mga kilay, na kung pwede lang siguro siyang umirap ay ginawa na niya. Nakatayo lang naman talaga ako, bakit magtatanong pa siya? Hindi ba obvious?. “I see,” aniya pa