27 Carra Ngitngit na ngitngit ako habang wala akong tigil sa pagsapa ng dala-dala ni Fritzel na fried chicken. Ang nakakainis ay ang laman pa rin ng isip ko ay si Rheus at si Marei. Takti! Selos na selos ako sa babaeng iyon at hindi pa ako nagkakaganito sa tanan ng buhay ko. Parang gusto kong hilahin ang oras at sumama ako kay Rheus sa kung saan man ang meeting niya. “Hoy.” Bigla akong tinapik ni Fritzel sa balikat kaya natauhan ako. I looked at her and seems like she was already watching me the whole time. “Bitter much, insan? Ano bang nangyayari sa'yo? Tulala ka na nga, parang inutangan pa ‘yan mukha mo.” Daldal niya sa tabi ko habang si Lax naman ay natutulog. “Naiinis ako.” Sabi ko kasunod ang buntong hininga. “Nagseselos na ata ako, insan.” Sumimangot ako dahil ngumanga siya. “