21 Carra Uminat ako sa higaan saka kinusot ang mga mata kong parang ang bibigat. Siguro dahil iyon sa pag-iyak ko kahapon kaya para malibang ay naglaro na lang ako nang naglaro ng ML hanggang sa antukin na ako. Kapag may umaaway sa akin, inaaway ko rin. Hindi na ako ang iyakin na Carra sa ML. Lumalaban na ako ng daldalan lalo na kapag asar ako kay Rheus. Tumingin ako sa wall clock at napabalikwas ako nang makita kong alas siete y medya na. Takti! Bakit hindi ako ginising ni Minotaur? Teka. Napatigil ako dahil hinanap ko siya. Wala siya sa tabi ko pero amoy na amoy ko ang higaan at unan niya, napakabango. Mula sa banyo ay lumabas si yaya Iska na nakangiti sa akin. “Gising ka na pala, ineng.” “Good morning po, yaya Iska. Nasaan po si Minotaur—este Rheus?” “Ah, umalis na. May pupunta