43 Carra Kandahaba ang leeg kong nakatanaw sa bintana. Lintik na Rheus! Wala pa ang magaling. Oa mo naman Carramilla. Isang oras pa lang na nawawala si Rheus pero bakit pakiramdam niya ay dose oras na. Humaba ulit ang leeg niya, pagkatapos ay nagmartsa hanggang sa makarinig siya ng hagikhik. She looked back and saw Lax. Busy ang bata sa kapaparoon at parito, nag-iipon ng mga lumang laruan na ayaw ng gamitin. Dadalahin na raw nito sa mga kalaro ang mga iyon. Hindi naman niya pinigilan si Lax dahil iyon ang kasiyahan ng bata. She hopes one day, like a normal child, he could also go to school. Iba pa rin ang nasa totoong eskwelahan ang isang bata. Magkakaroon ito ng mga kaibigan at lalong madedevelop ang pakikipag-socialize sa ibang tao. “At ano naman po ang nginingiti-ngiti ng isang ba