39 Carra “Kumusta ka naman, insan?” Tumingin ako kay Fritzel na nakatayo sa may pintuan. Nandito na siya. Alas singko y medya na ng hapon at naghihintay kami ni Lax kay Rheus. Sabi ng lalaking iyon ay darating din pero lagpas na ng oras ng trabaho ay wala pa rin. Ang huling text sa akin ng magaling ay tungkol sa mataas na grades. Bakit naman kaya nagtanong iyon nang ganoon? Baka naman iniisip niya na bagsak ako sa mga subjects ko. Matataas ang marka ko at pera lang ang wala sa akin. Pagkatapos ko sa trabaho bilang asawa at bayad na ako, magsusumikap akong makapag-aral ulit. Ayokong makuntento ako na ganito. Tumingin ulit ako kay Lax na nakikipaglaro sa mga kapitbahay na mga kasing edad niya. Tuwang-tuwa ito at ngayon ko lang nakita na sobrang tumawa, hindi maramot sa mga laruan na dal