49 Rheus Naiiling kong isinuksok sa bulsa ko ang sulat na gawa ko para kay Carra. Parang kailan lang ay bumalik ang kahapon. Nasa mga gamit ito ni Devign, specifically in her slam book, that’s what manang said. Puro litrato naming dalawa ang naroon ng kapatid ko, o ng ampon namin, mas tama kong sabihin. She faked my letter and she was lying to me for decades now. Hindi ko akalain na nagpalaki kami ng ahas na tutuklaw din mismo sa amin, particularly, sa akin at idinawit pa ang anak ko. “Salamat, manang. Maasahan ka talaga,” I told the old woman and she smiled, too. “Hindi naman pumapayag Diyos na magtagal ang mga sinungaling na tao, iho.” I nodded and turned my back. Ihahatid na ngayon sa kulungan ang mga gamit ni Devign. Hindi siya makapag-piyansa dahil wala pang abiso. Walang sinuma