Chapter 41 Kinabukasan.. Nagising si Monica sa malakas na katok ng pinto sa kanyang kwarto "Monica anak! Gising!" Napabangon siya kahit antok na antok pa siya. Sinuot muna niya ang kanyang bath robe dahil wala siyang saplot sa katawan "Monica? Anak bilisan mo gumising kana!" Halos kalampagin na ni Aling bebang ang kanyang kwarto "Saglit lang ho nay!" Nagmadali siyang magsuot ng bath robe at agad siyang lumapit sa pinto upang buksan iyon "Nay bakit ho ba?---" "Anak! Nako bilisan mo maligo kana!" Napakunot ang kanyang nuo "Bakit ho ba nay? Ano pong nangyari?" "Si Cedric! Aalis na ng pilipinas! Nag chat si mareng abby sakin. Sabihin ko raw sayo. Bilisan mo na---" "Hindi ko ho siya pipigilan nay. Kung gusto niyang umalis wala na ho akong magagawa" "Eh bakit kahapon kung makang