CHAPTER 11 "Cedric, Monica pasensya na kayo hindi tayo makakagawa nang project ngayon sa bahay namin dahil nandito ang nanay ko. Tinotoyo nanaman si nanay eh" Sinalubong sila ni Racky sa bus stop kaya naman nahulaan na nilang may problema ito dahil nakabusangot din ang mukha nito "Ganon ba? Ayos lang yun matagal pa naman ang pasahan nang project natin. Aaralin nalang naman natin dahil natapos na ni Cedric yung project" Tahimik lang si Cedric na nakikinig sakanilang pag uusap "Pasensya na talaga kayo ha? Sa susunod na araw nalang uli kapag wala si nanay" "Sure" Sagot ni Cedric "Sige na mauna nako sainyo baka masabunutan nako ni nanay eh. Ingat kayo pag uwi niyo ha? Mukhang uulan pa naman" Sabay silang napatingala ni Cedric sa langit. Mag aalasingko palang nang hapon ngunit par