Kanina pa umalis sila Angelo at Liza. Pero hindi padin lumalabas sa kanyang kwarto si Monica. She's hungry. But she's a bit shy. Ayaw niyang magpaalaga sa lalakeng kapatid ni Angelo. Lalo na sobrang gwapo nito. Hindi siya sanay makipag usap sa mga gwapo. Grrr Bakit ba kasi Cedric din ang pangalan niya? Tapos magkapangalan pa sila ni baduy ko.. Paikot ikot lang siya sa kama habang nag iisip kung paano siya makakakain. Mag aala-una na nang tanghali kaya naman nagugutom na siya Hindi niya nadala ang kanyang cellphone dahil naiwanan niya iyon sa bahay nila. Huminga siya nang malalim. Naramdaman nalang niyang kumulo ang kanyang tiyan. Gutom nako... Nagulat siya nang may biglang kumatok sa pintuan ng kwarto. Napaupo siya sa kama. Nagbihis agad siya nang damit dahil nakahubad siya. G