Inis na inis si Monica nang makita niya ang mga damit na binili sakanya ni Cedric Hoffman Kakarating lang nila sa mansyon. Isusukat na sana niya ang mga pinamili nito para sakanya habang nag iisa siya sa kwarto niya. "Jusko masusuot ko kaya ito?! Bastos talaga!" Isa isa niyang inilabas sa mamahaling paper bag lahat ng mga damit na pinamili ni Cedric sakanya Itinaas niya ang isang pink bikini lace na binili nito para sakanya. Victoria Secret ang tatak ng mga panty na ito! Ang ibang damit naman ay panay sexy! Backless tube at super daring blouse! "Grrrr! Paano ko to isusuot?!" Isang dosena din ng lacey victoria secret bra ang nasa isang papar bag! Inis na inis siya dahil pakiramdam niya gino-good time lang siya nito. Ibinalik niya lahat ng mga karumaldumal na damit sa bawat paper