“Makikita sa Anak ang liwanag ng kaluwalhatian ng Diyos, sya ang eksaktong kamukha ng Diyos. Hawak ng Anak ang buong creation gamit ang kapangyarihan ng kanyang salita. Nung napatawad na ang kasalanan ng mga tao dahil sa ginawa ng Anak, umupo sya sa kanan ng Makapangyarihang Diyos sa langit.” – Hebrews 1:3 -- Chapter 47 Part 1 Pearl Ako: Saan ka natulog? It’s past midnight. Hindi ako mapakali kaya hindi ako makatulog kaagad. Katabi ko ang cellphone dahil nag set ako ng alarm ng alas seis ng umaga. Wala akong ideya kung saan magpapalipas ng gabi si Nick. Iba-ibang lugar ang tinutulugan niya at gusto kong malaman kung saan siya ngayong gabi. No’ng una ay nagdadalawang-isip pa ako kung magtetext. Pero napuyat na rin ako. Baka dahil dito kaya hindi ako makatulog. Uminom na ako ng gata