“Kayong mga nagsa-suffer, pati na rin kami, bibigyan tayo ng Diyos ng pahinga, pag ni-reveal na ang Panginoong Jesus galing sa langit na may kasamang mga makapangyarihang angels.” – 2 Thessalonians 1:7
--
Chapter 14
Pearl
“Sinong bantay ngayon ng anak mo?” tanong ni Ruth pagkalagpas namin sa pinto ng comfort room.
Humawak akong mahigpit sa bag. Everytime na kinakausap niya ako, kahit mahinahon at walang laman ay bigla na lang akong natataranta. She is kind of soft woman. Hindi makikitaan ng yabang kahit isa siyang De Silva. I remember the article which defined as the darkest secret of their family. But she looks so healthy other than being happy and very much in love. At tulad kanina, my conscience is killing me.
My lips started to quiver a bit.
“S-si Tatay.”
“Oh? Walang binigay na nanny sa bata si Nick?”
I shook my head and was very shy. Nick gave a big amount of money. Kung tutuusin, pwedeng ako na lang ang mag-hire. Pero hindi ko naisip kasi ako ang nag-aalaga na sa pamangkin ko.
“Hindi naman kailangan, Ruth. Ako na. Nasa bahay ako palagi.”
“Ah. You’re a hands-on mom. That’s much better. Magaling. Well, gusto ko rin ako ang nag-aalaga sa mga anak ko. Gusto ko kasing ma-witness ang unang bahagi ng paglaki nila. Naisip ko lang na baka walang bantay ang anak ninyo.”
“May anak ka na?”
I stopped and firmly closed my lips. She smirked after staring at me.
“Yes. Two boys. Kambal.”
I was a bit shocked. I know that I looked stupid but she just laughed it off. A very genuine sound that even if I looked weird, she made me feel accepted. Belonged. A nice neighbor.
Magaan kausap si Ruth. Okay rin kaya siya kay Ruby? I wonder.
I cleared my throat. Sabay pero mabagal kaming naglakad sa hallway pabalik sa grupo ng mga De Silva. Madilim na ulit. Nananagana ang malilikot na ilaw. Parang mapusyaw na dugo ang hangin. Dumadagundong ang speaker sa paligid. Naghihiyawan ang maraming nagpaparty. It’s getting late. Dumarami rin ang taong nakikita ko.
Nakatayo at pinapanood nina Dylan at Yale ang mga sumasayaw sa baba. They are also talking. Parehong higante ang mga ito. Mahahaba ang binti at malalapad ang balikat. They looked so strong, adult and even wise. Gumilid ang mata ni Dylan sa amin. Alam niyang papalapit kami. Parang may isa pang mata sa likod niya.
Hinawakan ni Ruth ang siko ko. She is still smiling. Parang may naiisip itong kinatutuwaan niya. I stared at her pretty face.
“Busy ba kayo palagi?”
Malakas siyang nagsalita at medyo lumapit sa tainga ko. Sobrang ingay ng music. Kahit lumapit siya ay kumukunot pa rin ang noo ko.
“Nasa bahay lang.”
Binakuran niya ng kamay ang gilid ng bibig at lumapit ulit sa tainga ko.
“Pwede ko ba kayong maimbitahan sa bahay? I wanna meet Nick’s daughter.”
Namilog ang mata ko. Actually, it feels so great to hear like this. Magkakaroon ng iba pang pamilya si Jewel sa puder ng daddy niya. Kahit hindi ko pa masyadong kilala sina Ruth. Feeling ko ay genuine siya.
“K-kung okay lang sa inyo. At kay Nick na rin…” sumulyap ako sa couch na aalog-alog. Si Hector pa lang ang nakikita ko. Umiinom ito habang nakikipag-usap yata kay Nick.
“Oo naman! Tatawagan ko si ate Deanne kung pwede ring pumunta kasama ang eldest son niya. May makakalaro si Jewel. What day you’ll be free? Araw-araw din ako sa bahay,”
“Ikaw…”
“Kausapin natin si Nick kung papayag.”
“Uhh teka…” agad akong hinila ni Ruth sa braso papunta sa inupuan namin kanina. Binalingan kami ng asawa niya. Sinundan ng tingin. Sinulyapan din ako ni Ruth pero ngitinian lang. Batid niyang binabantayan kami ni Dylan.
Nick and Hector both looked at us. Kinakabahan pa rin ako kapag nagkakatinginan kami ni Hector. Sinabi niya ang nangyari sa araw na iyon. Pero kahit hindi ako nabuking, iba pa rin ang pakiramdam ko. Na para bang may hawak siyang taling hindi nila nakikita pero ako lang ang nakakapansin sa aming dalawa. O sadyang hindi niya nalaman. Walang narinig. Kung kaya walang nakarating sa kahit sino rito ng tungkol sa pagkatao ko.
Pero kailangan ko pa ring mag-ingat. Baka naglalakad na ako sa salaming may lamat.
Bumalik ako sa dating pwesto. Naupo rin sa tabi ko si Ruth. Tiningnan ko ang laman ng mesa. Gusto ko sanang uminom pero hindi ko nagustuhan ang natikman ko kanina. Hanggang ngayon nga ay umiinit pa ang pisngi ko. Naroon pa rin ang bote. Walang nagalaw. Pero napansin kong may bago na naman silang in-order.
“Nick, pwede mo bang ihatid sa bahay sina Ruby at Jewel?”
“Kailan?”
“Bukas!”
Nick chuckled. The sound of his voice was like a mellow music in my ears. Malinis, malinaw at nakararating sa iyo kung gaano ka-confident ang nagmamay-ari ng boses. No’ng una ay nanliit ako. Kinakabahan. Na parang hindi naman ako bagay sa grupong ito at bakit ako nandito. Pero hindi ko maramdaman na iba ako.
Hinawakan ko ang kamay sa ibabaw ng magkadikit kong tuhod. Pinapagitnaan nila akong dalawa.
“Agad-agad? What do you think?”
Binunggo niya ang tuhod ko kaya napatingin ako sa kanya. Hindi na niya hinintay ang sasabihin ni Ruth.
“Ha?”
He leaned closer. The music is like a serial bomb. Sinabayan pa ng malalakas na sigawan. Inilapit ko rin ang tainga. Kaunti pero hindi ko natantya. Tila ginulat ang puso ko pagkatapos tumama ng tainga ko sa labi at ilong niya. Magsosorry sana ako pero nagsalita siya agad.
“Sunduin ko kayo bukas ni Jewel? Okay lang?”
But he didn’t react.
Umayos ako ng upo. “Okay lang naman. Kakausapin ko si Jewel. Pero excited naman iyon sa tuwing aalis kami.”
Tinaas niya ang isang braso. Pinatong sa sandalan ko at saka tinanaw si Ruth.
“Dalhin ko sila bukas. Mga anong oras ba?”
“Sa amin na kayo magtanghalian. Para rin mahaba-haba kong maka-bonding ang anak ninyo.”
Nakangiti at masaya ang mukha ni Ruth. Nagtagal ang ngiti niya sa akin. Nahawa ako at napangiti rin.
“Siguro eleven AM sunduin ko na kayo.” Bulong ni Nick sa akin.
“O-okay…” agad kong sagot. Lumayo ako ng kaunti sa kanya. Halos maramdaman ko ang katawan niya sa gilid. Hindi niya napansin kaya nagpatuloy ito sa ginagawa.
Bente minutos ang lumipas na nakaupo kami roon. Naka-order ng bagong inumin si Nick para sa amin ni Ruth. Binigyan kami ng mataas na basong may yelo. Lumapit si Dylan para i-check ang iinumin ng asawa. Pero nalaman kong softdrinks lang pala kaya medyo natuwa na rin ako. Kanina pa sila umiinom at kami ni Ruth ay nag-uusap ng kung anu-ano lang. Nauuhaw na ako. Agad kong nakalahati ang baso.
Kapag nag-uusap sina Dylan at Ruth, nagiging hangin kami. Umiiwas ako ng tingin kapag nilalapit ni Dylan ang mukha kay Ruth at kapag niyayapos niya ito. Napatingin ako kay Hector. Kumunot ang noo niya. Iniwas ko rin agad ang paningin. Abogado siya pero mas mukha siyang pulis na tahimik akong iniimbestigahan. Nakatayo pa rin sa railings si Yale. Hawak nito ang cellphone at kanina pa ginagamit. Wala sa bar na ito ang kanyang atensyon. Wala rito. Parang naiwan sa kung saanman. Pagkalipas lang ng halos tatlong minuto o wala pa, lumapit na siya sa amin para magpaalam na uuwi.
Dylan immediately nodded and agreed. Pagbaling niya kay Nick, tinaasan niya ito ng kilay.
“Uuwi na si Yale. Kailan ang next meeting natin?” he smirked and then glanced at me.
Ngumisi si Hector at sinundan ng pag inom.
“Tatawag na lang ako. Pero i-update mo ‘ko ‘pag may malaman ka sa junket operator na iyon.”
Kumunot ang noo ni Yale. “Ipakukulong mo ba?”
My heart felt the inaudible trouble and thudded faster. Nick made a low chuckle.
“Hintayin ko munang bumalik. Saka ako magdedesisyon d’yan.”
Ruth immediately looked at me. Hinapit siya ni Dylan at pinatakan ng halik sa buhok.
“Siya na lang ang singilin mo imbes na itong si Ruby. Mukha pa namang willing magtrabaho para mabayaran ka.”
“Tutulong daw siya, Nick.” Ruth suddenly announced.
Namilog ang mata ko. Lahat ay sila ay napabaling sa akin.
Bumangon galing sa pagkakasandal sa sofa si Nick para tingnan ako. He looked surprise. O pagtataka iyon. Nang tinagalan ko ang tingin sa kanya, hindi niya inalis ang titig sa mukha ko.
“Paano naman?” Dylan asked.
“Sa kung… paano ako makakatulong,” kabado kong sagot.
Tumahimik sila. Napayuko ako at nahiya sa kanilang lahat.
“Your statement is a big help, Ms. Herrera. Ikaw ang makakapagsabi sa kung saan, ano ang mga transaksyon at impormasyon sa negosyo ni Preston. Mapoprotektahan ka naman kung gusto mong maging witness. But then… si Nick pala ang magdedesisyon. Siya kasi ang nagbayad sa mga naloko ng scam na ‘yan. And you are also Preston’s partner.” Hector’s serious explanation.
“Don’t scare her, Hector.”
“Hindi ko siya tinatakot, Ruth. I’m just stating a lawful fact.”
Bumuntong hininga si Yale. Namulsa at bahagyang ngumuso na may malalim na iniisip.
“Wala bang kakamping malaking grupo itong si Preston, Nick?”
Bumaling na lang ako kay Nick. Kinabahan. Lumalaki ang ulo ko. I couldn’t do or say any but to milk information from him too.
Nagpalitan sila ng tingin ni Dylan. Pero walang binanggit sa kanya ang pinsan.
“Inaalam ko pa, Yale. Sasabihin ko sa ‘yo kapag may resulta na ang inutusan namin.”
Dylan chuckled. “Next time sa bahay na tayo mag-usap-usap ulit. Saka na tayo rito ulit kapag… alam niyo na…”
Tinungga ni Hector ang lahat ng laman ng bote niya. Namula ang mukha niya. Tumango ito.
“Uuwi ka na rin?” Ruth asked.
“Oo. Marami pa akong trabaho.”
“Pero…”
Pagkatayo ni Hector, sinusundan siya ng tingin ni Ruth at pinagmasdang maigi. Nabibigatang bumuntong hininga ang lalaki. He opened his mouth like as if he got complain or rock-solid reason but he closed his mouth again like as if he changed his mind.
“Tapos na yata itong first meeting natin. Gumagabi na rin lang e, mag enjoy na lang tayo bago magsiuwi. Pero mauuna na itong si Yale para kay Deanne at Joaquin. Kami rin mayamaya ay uuwi na ni Ruth. Go ahead, Hector. Mukhang nagmamadali ka.”
Patagong siniko ni Ruth sa tiyan ang asawa. Napapikit si Dylan. Tila naramdamang nasipa niya sa salita ang babaeng halos yakap na niya.
Hector sighed. And then looked at Nick.
“Tawagan niyo lang ako kung may problema. This week, hindi ako pupunta sa isla. I’ll stay in my office most of the time.”
Tumango si Nick. “Thanks, Attorney.”
“Sa bahay na namin patutulugin si Dulce?” tanong ni Yale kay Dylan.
Nagkatinginan ang mag-asawa. Gumalaw ang ulo ni Ruth. Tinitigan ito ni Dylan. Ako rin, parang gusto ko nang umuwi. Itext ko na kaya si Mariposa para bumalik dito? I took my phone out.
“Sige, Yale. Late na rin naman. Tawagan niya kamo ako bukas kung magpapasundo.”
Yale sighed. “Ako na. O sa driver. Mauna na ako!”
I looked up at them again. Nauna nang umalis si Hector. Tahimik itong nagpaalam. Si Yale ay isa-isa kaming tiningnan bago umalis. I looked down at my phone again.
Ako:
Umakyat ka na. Uwi na tayo
“May picture ka ba ni Jewel?”
“Meron,”
Nakatingin sa cellphone si Ruth. Agad kong inalis sa inbox at bigla ay kinabahan ako. May iilan akong kuha ng litrato ng pamangkin sa bagong cellphone na ito. Ipinakita ko kay Ruth ang solo at selfies namin ni Jewel. She smiled. Tutok na tutok ang mata niya sa bawat litratong ini-slide. Ipinakita niya rin iyon kay Dylan at sabay nilang dinungaw ang cellphone.
“Ang cute niya!”
“Yeah,” Dylan’s response to her. “Magkamukha sila,”
Napatingin ako sa mesa. Kumuha ng panibagong bote si Nick. Tinungga. Medyo madilim ang parte ng pwesto niya. Pero naaaninag ko ang pamumula ng kanyang tainga. Ang mga mata ay seryoso. Parang ang lalim ng narating kahit may katabi at maingay ang paligid. Pagkababa niya sa bote, nilingon niya ako. Binasa niya ang labi. Kumunot ang noo at pinagmasdan ako.
“Hindi ka ba malalasing niyan?” kuryoso kong tanong.
Umiling siya. “Kaya ko pa.”
Mahina akong bumuntong hininga. “Magdadrive ka, Nick.”
“Kaya ko nga. ‘Wag kang mag-aalala. Magpapahatid ka na?”
Binaba niya ang bote sa mesa. Ang dami pa naming inumin pero kakaunti lang ang umiinom. Pero kung babalik dito ang kapatid niya at pinsan, mababawasan ang in-order nila.
Hinila ako ni Ruth. Sinoli niya ang cellphone.
“She looks like an angel. ‘Yung anak mo,”
Tinabi ko ang cellphone. “Oh, thank you.”
“Nag-aaral na ba siya?”
“Ipapasok pa lang namin this June.”
“Oh? Saang school?”
“Sa ano lang, sa Barangay Center muna. Malapit sa amin.”
“Ah. I see. Maalaga ka pala sa bata. Normal delivery ka ba?”
I felt like my brain stopped from its life. My blood heated up and my heart pounded so fast. Nahihiya akong sagutin ang mga personal na katanungan gayong ang gaan-gaan kausap ni Ruth. Kung sana… iba ang sitwasyon. O kung totoong anak ko nga si Jewel, masayang-masaya akong makatagpo ng bagong kaibigan sa katauhan niya. Pero sayang. Hindi ko maibahagi ang tunay kong impormasyon sa kanya.
“N-normal,”
She nodded. Bumaba ang mata niya sa tiyan ko. Agad akong nag-iwas ng tingin.
“Ang liit ng baywang mo. Para kang hindi nagbuntis o sadyang mabilis kang pumayat.”
I tried to laugh but my response became very awkward.
“Thanks.”
Nang tumayo sina Dylan, niyaya na rin ako ni Ruth. Humawak ako sa railings at tumingin sa baba. Tinawagan ni Dylan si Dean at pinabalik na rito sa taas. Hindi mahulugang karayom ang dance floor. Ang music ay mas lalong nagwawala dahil sa udyok ng mga tao. Everyone is having a good time. Walang pakielam sa sasabihin o makikita ng iba. Everyone is enjoying, screaming and dancing. Ang lilikot ng ilaw. Napapikit ako kada hiyawang matitining. Hindi na nagkakarinigan ang iba. Ang tanging nakikita ko ay mga taong nagsasaya.
Lumapit ang isang lalaki at babae sa mag-asawa. Nagkagulatan at nagkatawanan. Binati rin dahil sa bagong babies at tinanong kung kailan sila ikakasal. Ang sabi ni Dylan ay kasal na sila ni Ruth pero ikakasal din sa simbahan ilang buwan mula ngayon. They all looked happy and pleased. Pagbaling ko kay Ruth, naaninag ko si Nick na nakatayo na sa tabi ng mesa. Hawak ang isang bote sa kanang kamay. Nakapamulsa naman ang kaliwa sa pantalon. Nakatitig ito sa akin. Bahagyang nakatabingi ang ulo. Ang mga mata ay seryoso.
Mabagal akong kumurap. Pinigilan kong magtanong ng bakit. Pinigilan ko ring agad alisin ang mata. Sa kaba ko, nagtagal ang titigan namin. Wala akong ibang nakita kundi ang kadiliman ng paligid at ng kanyang mata.
His eyes… were sending signals I couldn’t comprehend. But I’m also afraid to understand it. He looked… sad. Alone. But why alone? His cousins are with him. So, why would I say that he is looking alone right now?
Ang dulo ng labi niya ay bahagyang tumaas. Sinubukan niyang ngumiti sa akin. But when he smiled, I saw loneliness. Yes. It’s loneliness. Not alone. Magkaiba iyon. Being alone is bearable but if you’re lonely, that’s sad. One second, he looked miserable inside. Then next, he looked brooding. He changed his façade whenever he wanted to. But I know what I saw. I caught it. He has the color of loneliness. Or maybe anguish. But that’s too much. His blood is lonely.
Uminit ang paligid ng mata ko. Suddenly, I saw nothing but his existence. Nag-freeze ang dilim. Lumabo ang mga tao at gamit. Nalusaw ang ingay. Pero umangat ang hapdi. Kinukurot ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan. Naaawa ba? O nasasaktan na?
Binalik ko ang paningin sa dance floor. Bumalik din ang ingay at kutitap ng mga ilaw. Bumigat ang hawak ko sa bakal na bakod. Hindi ko alam ang kanta. Samu’t sari ang naririnig ko. May nagtatawanan, sumisigaw at kumakanta. Pero ang tanging humihiyaw sa isipan ko ay mukha ni Nick. I blinked my eyes repeatedly. I gave way to my tears but I was thankful it didn’t spring from my eyes. Humugot ako ng hangin. Pinagpahinga ko ang isipan. Sa ganito. Dahil baka kung ano ang magawa ko at umuwi akong bigo at naguguluhan.
Para akong tuod habang pinapanood ang mga taong nagsasayawan. Nakikipag-usap pa rin sina Ruth sa mga kaibigan nila. Pinasadahan ko ang mga tao sa baba. Nasaan na kaya sina Mariposa? Hinanap ko siya sa dagat ng tao. Nanliit ang mga mata ko. Iyong iba ay hindi ko maaninag ang mukha. Tiningnan ko ang mga taong malapit sa LED screen at DJ. Nakatayo roon ang isang lalaki. Nakatingala ito. Hindi sumusunod ang katawan sa tugtog. Hindi kumukurap habang titig na titig sa akin. Nang makita ko siya, mas lalong bumilog ang mata niya.
Kumalabog ang dibdib ko. Inalis ko ang dereksyon ng paningin sa gawing iyon. Hindi ko makita sina Mariposa. O kahit si Yandrei. Saan kaya napunta ang mga iyon?
Nakalimutan ko ang lalaki kaagad nang tawagin ako ni Ruth. Umalis ako railings. Hindi na ako naupo. Tumayo na lang kami dahil nag-aaya na silang umuwi.
“Pinaakyat ko na sila Dean.” Dylan announced. Umalis na ang mga kaibigan nila.
Tiningnan ko si Nick. Binaba na niya ang bote sa mesa.
“Did you enjoy?” he asked.
Umawang ang labi ko. Natawa si Ruth sa gilid ko.
“No, I don’t think so, Nick!”
“Ako nag-enjoy, Nick. Salamat sa libre, ‘insan!”
Inakbayan ni Dylan ang asawa. Dumating sina Anton, Dean, Yandrei at Mariposa. Nagtatawanan at malalaki ang ngiti sa labi. Si Yandrei ay nakaabrisiete pa sa kaibigan ko. Umawang ang labi ko. Pinagmasdan ko siya. At baka bigla ay madulas ang dila nito. Pero magkasama nila akong nilapitan. Habang sina Anton at Dean ay deretso kuha ng malamig na inumin sa mesa.
“Uwi na tayo?” tanong ni Anton kay Nick.
Nagtatawanan sina Yandrei at Mariposa. Amoy alak sila. Kinagat ko ang labi.
“Dami kong nayayang magpagupit sa salon ni Mamey Vicky, Ruby! Itong si Yandrei, maraming kakilala. Sabi niya pati siya sa atin na magpapa-treatment!”
Gulat kong tiningnan si Yandrei. Siya rin ay mukhang nakainom.
“Marami akong isasama sa salon niyo. Actually, parang kailangan ko na nga, e. Itetext ko si Mariposa kapag pupunta ako. Nakuha ko naman number mo, ‘di ba?”
“Oo nga! Kanina pa, Mare!”
“Ayun!”
Nagtaas ng kanang kamay si Yandrei. Tinaas din ni Mariposa ang kanya at nag-appear ang dalawa. Pinigilan ko ang sariling hilutin ang sintido ko.
“Sasama rin ako.” Dugtong ng nakangising si Ruth.
Mabilis siyang hinarap ni Mariposa. Hindi ko akalaing may baon pala itong business card at inabutan si Ruth.
“Dito po ang address namin sa maynila. Magtext lang kayo bago pumunta para agad namin kayong maasikaso. Sikat kasi ang salon ng Tatay ni Ruby.”
“Wow. Okay. See you!”
Nginitian niya na naman ako. Nahihiya ako na kinakabahan. Dapat ay hindi na sila niyaya pa ni Mariposa dahil alam naman niyang… kaso nakainom siya. Buti Ruby pa ang natatawag niya sa akin at hindi Pearl. Madaldal na siya kahit nakainom pero kapag nakainom na, kakabahan na ako. Tulad ngayon.
Hinintay lang naming makapagpahinga sina Anton sa couch. Uminom sila ni Dean at nagkausap pa nang kaunti. Binawalan na ni Nick na tumikim pa ng inumin si Yandrei. Papagalitan daw sila ng mommy nila kapag umuwing lango ang kapatid na babae. Nagprotesta si Yandrei. Luminga-linga. At saka sumimangot.
“Wala na si Hector. Umuwi na!” tinusok ni Mariposa sa tagiliran si Yandrei. Pagkakita ko ay hinawakan ko sa braso at hinila.
Nick sighed.
“Oo alam ko. Nakita kong dumaan kanina.”
Pinagmasdan ko ang pagnguso ni Yandrei. Namula rin ang pisngi niya kahit hindi na uminom. Pero ang mata parang kumislap. Hinaplos ni Ruth ang braso niya. Ngumiti siyang pilit. Binabalewala ang pag-usbong ulit ng sama ng loob sa lalaking umuwi na.
Sumunod ako sa kanila pagbaba. Hawak ko na sa braso si Mariposa. Nag uusap sila ni Yandrei. Tungkol sa TV Network, artista at ilang social events. Nasa likuran ko naman sina Nick, Anton at Dean. Nagtatawanan at asaran na naman. Kina Anton na raw sasabay si Dean at makikitulog sa parents nina Nick. Sina Dylan at Ruth ay deretso sa kanilang kambal. At kami ni Mariposa ay ihahatid ni Nick.
Nakita ko ulit ang lalaking nakatitig sa akin mula sa baba. Nakatayo ito sa tabi ng itim na kurtina kausap ang isang babae. Napabaling siya sa grupo namin. Natigil ito sa paghithit ng sigarilyo matapos akong mahagip. Naroon na naman ang gulat sa mata niya. Iniwas ko ang paningin sa kanya. Humigpit ang hawak ko sa braso ni Mariposa at nagtuloy-tuloy kami palabas ng Peyton.
Siguro ay isa sa mga kakilala ni Ruby ang lalaking iyon. Malamang na nagulat pagkakita sa akin kasi ang alam niya ay dapat nagtatago ako matapos mang scam. Pero kasama ko ang mga De Silva. Nariyan ang bantay ng mga bouncer sa amin. Hindi lang siya ang napapalingon kundi maging iba na tinatawag ang mga pangalan nila.
“Gusto mong mag-ice cream?” untag ni Nick habang nagda-drive. Hindi ko napansing nakatulala na ako sa labas ng bintana. Nakahilig ang ulo ko sa upuan. Pagkatapos niyang magsalita ay napabaling ako sa kanya.
He bit his lip. Tinuro niya sa labas ang McDonald’s drive-thru.
“Ice cream?” nilingon ko sa likod si Mariposa. Napangiwi ako nang makitang nakanganga ito at tulog na tulog. “Gusto ko,”
Niliko niya ang sasakyan sa drive-thru. Kaaalis lang ng customer kaya agad siyang nakabili. Ice cream at large fries ang in-order niya. Tumanggi ako para sa burger. Pagkabili namin, agad kaming nakauwi sa bahay.
“Salamat ulit, Mr. de Silva! Uwi na ako! Ruby! Uwi na ako! Goodnight!”
Nagtuloy-tuloy na ng lakad si Mariposa. Natahulan pa siya ng aso. Sinundan ko ng tingin. Hindi naman gumegewang. Pagkawala niya, saka ko naman naalalang binilhan siya ni Nick ng ice cream at french fries. Kaso nakaalis na. Itatabi ko na lang ito sa fridge.
Sinusian ko ang pinto at binuksan ang ilaw sa salon/sala. Pinapasok ko si Nick. Binuhay ko ang electric fan. Pinaupo ko siya. Nagpalit ako ng tsinelas pero hindi na muna ako nagpalit ng damit dahil maiiwan siya rito mag-isa. Wala namang multo rito. Baka lang ma-awkward siya kung iwan ko. Saka baka magising pa si Tatay.
“Sa kusina na tayo kumain nito,”
“Ha? Oh sige.”
Siya na ang nagsarado ng pinto. Lumipat kami sa kusina. Binuksan ko ang wall fan at naglabas ng isang pitsel ng tubig galing sa ref. Nilabas niya ang laman ng paper bag. Naupo na rin. Nanginginginig ang kamay ko habang nagsasalin ng tubig sa baso.
“Maupo ka na rito.” Tinuro niya ang upuan sa kanyang tabi.
“Ha? Teka lang. Tubig mo,”
I really made stupid thing just to avoid to be alone with him. Naghanda ako ng dalawang baso ng tubig. Binaba ko sa mesa. At pagkaupo ko, tinitigan niya ako. Tumikhim ako. Umayos ako ng upo at mabagal na binuksan ang plastic cup ng vanilla ice cream. Kumuha ako ng fries at sinawsaw sa ice cream. Rumehistro ang laso ng kinain ko pero ang puso ko ay nabibiyak sa lakas ng pagpintig nito.
He took his spoon and started munching his ice cream. Sinusundan niya ng pagkain ng fries. Noong una ay tahimik kaming dalawa. Malakas pa ang hininga namin at mga galamay ng wall clock sa boses namin. Nakalahati ko na ang baso ko nang mabawasan ang kaba ko.
“Saan ka uuwi pagkagaling dito?”
“Sa condo. Nanggaling na ako kanina sa bahay ng parents ko. Matutulog ka na ba agad pagkaalis ko?”
“Hindi pa siguro. Magpapaantok pa. Nagising ako rito sa ice cream mo,”
He smirked. “Baka kasi ako ang antukin pagkahatid ko sa ‘yo. Sorry. ‘Wag mo nang ubusin ‘yan kung mawawala ang antok mo.”
“Hindi. Okay lang ‘to. Minsan lang naman. Sabi mo kanina kaya mo pa? Dapat nag isang bote ka na lang. Hindi mo naisip na mag-isa ka pang magmamaneho.”
“I know may capacity. Hindi ko lang napigilang uminom,”
Pinanliitan ko siya ng mata. “Medyo sunud-sunod ang pag-inom mo. Walang nananaway sa ‘yo kaya nag-e-enjoy ka. Hindi dapat ganoon. Lagyan mo ng disiplina ang pag-inom lalo na kung nagdadrive ka pa. Baka mamaya niyan may ma-encounter kang salbaheng driver sa kalsada. Lasing ka. Mapapaaway ka pa.”
Hindi siya nakaimik. Tiningnan niya ang kaunting laman ng plastic cup niya. Palihim ko siyang pinagmasdan.
He then sighed. “Ayaw mo ba akong mapaaway?”
“S’yempre naman. Sino bang may gustong makipag-away?”
Tumaas ang dulo ng labi niya. Binaba ang baso at saka nag-angat ng tingin.
“Hindi ako mahilig makipag-away. Pero kapag may mali at nadadamay ang pamilya ko, doon napapatid ang pasensya ko…”
Lumunok ako. Binaling ko ang mata sa ice cream. Tumango ako at sumang-ayon sa dahilan niya. Kapag pamilya, nasasaktan din ako kung pati sila ay sinasaktan din. Ayoko rin no’n.
Wala na ulit na nagsalita sa amin. Tahimik kong inubos ang ice cream kahit marami pang French fries. Pinapakinggan ko ang orasan at kahit ang pagtama ng mga paa ni Nick sa sahig. Narating ko ang oras na pumanatag ako habang kasama siya. He is not brooding. He is not even lonely. Inaantabayanan ko ang paghinga niya at iilang kilos habang kumakain. Pati ang kaluskos ng damit niya ay umaabot sa tainga ko.
With little noise and little words, my heart pumped indulgently like as if the big world is nothing but a piece of memory.