“Dadating ang panahon na hindi na makikinig sa tamang teaching ang mga tao. Susundin lang nila ang mga gusto nila at maghahanap sila ng mga teachers na magsasabi sa kanila ng mga gusto lang marinig.” 2 Timothy 4:3 -- Chapter 35 Pearl Ako: Ano namang gagawin ko sa apelyido niya? I don’t even want use it. I want to drop it. Pero pati sa ID ko, nakaprint pa. Imposible pero baka pinakaelaman nila ang database ng bansa para baguhin ang pangalan ko Ysabella: Hooray sa data ng bansa! Atleast, updated hehe. Kung ako sa ‘yo, ie-exploit ko ang apelyido niya hanggang nakakabit sa akin. Siguro hindi mo pa masyadong nae-explore ang pagiging de Silva? Use it. Use it up to your heart’s content. Kung may sama ka ng loob sa kanya, it’s your time to shine, girl. His name is yours. Grab all the pe