“Magiging malupit sila, walang awa, naninira ng reputasyon ng iba, walang kontrol sa sarili, marahas at ayaw sa mabuti. Magiging traydor sila, padalos-dalos, at sobrang yabang. Imbes na mahalin ang Diyos, mamahalin nila ang gusto ng katawan nila.” – 2 Timothy 3:3-4 -- Chapter 32 Pearl “Sinabihan mo si Nick na pinabayaan niya ang anak niya sa akin? I do want him to father my child but he never kissed nor touched me, Pearl. At kung sinusumbulat mo sa kanyang tatay siya ni Jewel, my ever-smart twin sister… doon pa lang—bukong buko ka na!” Napaatras ako. Hinang-hina at naghanap ng makakapitan. Totoo ba ito? O isa lamang bangungot? “My god! You’re so stupid! Kung nagkataong wala ako sa ibang bansa, malamang dinukot din ako ni Nick para parusahan. Mapagbibintangan pa tayong bini-blackm