CHAPTER 20

856 Words
HINDI NA umalis si Zyren sa tabi ng ina mula nang umuwi siya galing sa bahay nina Konrad.  She really missed her.  At ang kanyang ina, hindi rin matapos-tapos ang paghalik sa kanya, gaya noong huling beses itong dumalaw sa kanya sa PIlipinas.  And that was three years ago. “I miss you so much, baby!”  Pinahid nito ang namuong luha sa mga mata nito.  “Ikaw naman kasi, bakit hindi ka pa sumama sa amin noong kunin namin ang mga kuya mo?  Ayan tuloy, naiwan kang mag-isa rito.  Ayos ka lang  ba, ha?  Hindi mo ba napapabayaan ang sarili mo?  Kumakain ka ba sa tamang oras?  Bakit ang payat mo yata ngayon?” “I’m fine, ‘My.” “Pero hindi pa rin ako nakakasiguro.  Ikaw pa naman laging nagtatago ng nararamdaman.  Kahit nahihirapan na.  But don’t worry, Mommy’s here.  At dala ko na ang visa mo.  We’re leaving as soon as possible.  Gustung-gusto ka na ring makita ng Daddy mo at mga kuya mo.  Naghihintay na silang lahat sa Canada.  And its time na magkasama-sama na ang pamilya natin, for good.” Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sa kanyang ina.  Isiniksik din niya ang kanyang mukha sa leeg nito.  Her mother’s scent always gave her comfort when she was a child.  Pero…nagbago na ang paborito niyang amoy ngayon.  Matapos itong mahigpit na yakapin ay seryos na siya nang harapin ito. “I could only be with you for a week, Mom.  And then I’ll go back here.” “What?  Pero, Zyrena, akala ko ba gusto mo na rin kaming makasama lahat?” “Oo nga, Mommy.  But it was before I met someone.” “Someone?” Nilingon niya ang pinsan na kanina pa nakamasid lang sa kanya.  Batid niyang hinihintay din nito ang magiging desisyon niya. “I fell inlove, ‘My.  Dumating na sa buhay ko ang lalaking matagal ko ng hinihintay.” “Zyrena…” “And I can’t just threw this chance away.  Akala ko nung una, okay lang ang sandali na makasama ko siya.  Pero hindi pala ako kuntento sa sandali lang.  dahil ngayon pa lang, isipin ko pa lang na malalayo na ako sa kanya, naiiyak na ako.  Mahal ko kayo, Mommy.  But your baby is all grown up now.  May sarili na rin akong buhay at gusto kong maging parte niyon ang lalaking nagpadama sa akin ng tunay na kahulugan ng pagmamahal.  Kahit wala pang katiyakan na may nararamdaman nga siya sa akin, I want to take that risk.  Mommy, sana naiintindihan mo ako.  This is a big world.  And I don’t want to let the man I love slipped by and search for him all over again.” Pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan, her mom gave her the most understanding smile of a mother to her child.  Hinaplos nito ang kanyang buhok. “Of course I understand.  Napagdaanan ko na iyan kaya alam ko kung ano ang nararamdaman mo, hija.” Napaiyak na rin nang muli itong yakapin.  “Thanks, Mom!” “Sus!  Wala iyon.  Tahan na.” “Paano sina Daddy?” “They’ll understand.  Ang mga kuya mo  nga, parang nagpaparamdam na rin na mag-aasawa na.  And your Dad?  May magagawa ba siya para pigilan ka sa gusto mo?  E, nandon siya at nandito ka?” Narinig niyang tumawa ang pinsan niya.  Ngunit nang tingnan naman niya ito ay nagpupunas ito ng mga luha sa mata.   “Parang gusto ko na rin tuloy sundan sina Mama sa Davao,” anito.  “Ang layo, ‘no?  Sige, shut up na lang ako dito.” “Maira, salamat din sa iyo, ha?  Kung hindi dahil sa sermon, suporta at pagsusulsol, hindi ko mararamdaman itong nararamdaman ko ngayon.” “Walang anoman.  Basta ikaw, pinsan.” “Siyanga pala, sino itong lalaking sinasabi mo, ha, Zyren?  Puwede ko na ba siyang makilala?” “Pagbalik ko na lang galing Canada, Mommy.  Tsaka ko siya kakausapin at kapag maganda ang naging resulta, dadalhin ko siya agad sa Canada para makilala ninyo.” “Paano kung hindi naging maganda ang resulta?” “Then I’ll go back alone.” “You mean…” “Wala ng dahilan para manatili pa ako rito.” “Ikaw naman kasi, pinsan.  Bakit hindi mo pa sabihin sa kanya at nang magkaayos na kayo agad?” “Because I could only fix my life, one at a time.  And anyway, isang linggo lang naman ako sa Canada.  Pagbalik ko, siguradong punung-puno na ako ng kapal ng mukha nun.  Kayang-kaya kong harapin si Konrad.” “Konrad?  I like him his name,” her mom said. “You’ll like him even more kapag nakita mo siya, Mommy.  He’s so guwapo and he’ so sweet!” “I like him already for you sweetheart.” “Lalo na ako, Mommy.” “Kung ganon maghanda ka na at nang makaalis na tayo agad bukas.  Para makabalik ka rin agad.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD