"Boss, ako na ang bahala sa kanila. Tumakas na kayo," seryosong sabi ni Jamaica. Kasabay niyon ang pang-aagaw nito kay Bardero sa baril. At ito na ang nagpaputok sa mag-inang dati nitong mga amo. "Tara, boss! Kaya na sila ni Jamaica!" Pagsang-ayon ng isang tauhan pa ni Bardero na hawak pa rin ang laptop. "Sige tara!" Hinila ni Bardero si Bayrhu pero pumiksi ang bata. "Sabing ayoko! Ayokong sumama sa'yo!" Nakawala ang bata at akmang tatakbo patakas. "Punyeta kang bata ka!" Pero nahaklit ni Bardero ang anak at pinatikim ng sampal na likod ng palad ang gamit. Kulang na lang ay mapasubsob si Bayrhu sa lakas niyon pero mukhang pinatatag ng bata ang sarili kung kaya hindi nangyari. Lumuluhang tiningnan nito ng masama ang ama. Halos nakanguso na ang may konting dugong bibig ng bata sa sobr