"Ummp!" Sa unang sagupaan ni Faith at Bardero ay hindi na nagtagumpay si Faith. Bilang na suntukan at sagupaan pa lang ang nagawa niya ay sakal-sakal na siya si Bardero ngayon. At ang lakas nito! Nagkakawag si Faith. "Inakala mo talagang kaya mo ako?" nang-uuyam na sabi ni Bardero. Mas hinigpitan pa nito ang pagsakal kay Faith. Dinalawa na nito ang kamay sa pagsakal kaya napapaubo na si Faith. Pagkatapos ay nag-igting ang panga nito. Nagngitngit ang mga ngipin. Naningkit ang mga mata. At saka tumaas ang dibdib nito. Iyon pala ay nag-ipon ng lakas ito dahil mayamaya ay napakalakas na inihagis nito si Faith sa may malaking puno. "Ugh!" Halos mawalan nang malay si Faith. Grabe ang pagkakawingi niya nang mahulog siya sa lupa. Feeling niya nabali ang back bone niya. Masama ang tingin niyang