"Analyn!" /"Oh, sh*t! Analyn!" halos sabay na naisigaw rin nina Eva at Fairy na humalo sa sigaw ni Honey. Hindi mailarawan ang kanilang hitsura sa sobrang sindak. Basta parang nawala lahat ng dugo nila sa katawan dahil namutla talaga sila sa nakita nilang hitsura ng kaibigan nila. Lalo na at tyempong iyon ang pag-ubo na ni Analyn ng dugo na lumabas sa bunganga nito. Samantalang si Jhie ay natulala naman na animo'y nakakita ng multo at tila ba'y nanghina pa. Buti na lang at naalalayan pa rin ito ni Eva nang muntikan na itong manlupaypay. At si Tyron, because he knows he can't do anything right now he rigidly thumped his fist against his right thigh, cursing low to suppress his anger. He closed his eyes tightly and bit his lower lip keenly which almost bleeds his lips. Tapos ay guilting-gu