"Faith?..." Magaang dumantay ang palad ni Jhie sa balikat ni Faith. Dahilan para bumagsak na ang mga luha ni Faith sa kanyang mga mata habang nakatitig siya sa kanyang anak na ngayon ay naka-blindfold. Lumapit sa kanya si Jhie na hindi niya namamalayan. At kahit hindi magsalita si Jhie ay alam na niya ang dahilan, ang ipabatid sa kanya na hayaan niya ang kanyang anak. Na dapat siyang mas magpatiwala pa ng buo ngayon. Na dapat ay maniwala siyang kakayanin ni Honey ang pagsubok na ito ng madugong labanan. Tumango-tango siya kay Jhie kahit na hindi niya man lang ito sinulyapan. Tapos ay isang yakap pa ang ginawa niya kay Honey bago niya ito pinakawalan at nilayuan kasama sina Fairy at Jhie. "I told you, mana ang anak mo sa'yo," nakangiti pero tumulo ang ilang luha nito na sabi ni Jhie sa k