Chapter 62 Napaitlag si Stephanie nang may bumagsak na babasaging vase sa loob ng bahay. She intstantly refrained from walking. Papasok sana sya kasi nasa loob para ibalita ang nangyari sa interview pero iyon ang sumalubong sa kanya, at mga nagsisipagtakbuhan na mga katulong. Rumagasa ang kaba niya. Galing nga siya sa gate ng subdibisyon at nag-SONA. Tapos na ang State of the Nation Address kaya lang may ibang sumalubong sa kanya. "Nagwawala na naman si Señorito!" tili ng lahat ng katulong at parang mga sundalong hapon na nagsitakbuhan paatras sa gyera ang mga yun, tumatalon- takbo palabas ng kabahayan. “Diyos ko! Tago tayo!” napatili rin siya at tumakbo rin papaalis, kasama ng mga kasambahay. Hinila niya ang mga ito sa isang mayabong na halaman, ang parating kinokorteng giant it