Chapter 33 Nakatulala si Stephanie sa kawalan. Nasa may ilalim siya ng punong mangga, nakasakay sa isang lumang duyan, habang kasamang lumilipad at nakalutang ang isip niya. Isang linggo na pero wala pa ring paramdam si SJ sa kanya kahit sa text man. His phone was already unreachable. Kinalimutan na sya ng lalaking humingi sa kanya ng one percent na pagtitiwala. Hindi naman nga niya masisisi iyon. She thought she already made up her mind and move on but it’s hard. Di nga niya alam kung bakit mahirap. Alam naman niyang may babae na naman iyon sa Maynila pero hindi niya pa rin tuluyang mabitawan ang damdamin. Nalulungkot pa rin siya at nasasaktan. Pero sino bang sisisihin niya? Magulang ba niya? Ang Papa niya na grabe naman ang hinihingi na kapalit para lang makalapit sa kanya si SJ. H