Chapter 66 Umiiyak na tumakbo si Stephanie papaalis, pero ang takbo niya ay hindi pabalik sa kotse na sinasakyan niya kanina, kung hindi ay sa sakayan ng taxi. Malaya na siyang makakakilos. Wala ang mga mapanakit at masasamang tao, mga nakakulong na. Bwisit talaga si SJ kahit kailan! Sayang lang ang lahat ng pagmamahal niya at ang pagtatanggol doon. Tumalikod at naghiwalay lang sila ng lugar na pinuntahan saglit, may babae ng nakalambitin sa leeg? Ano ang tingin nun sa sarili, sampayan ng mga babae? Nakakabwisit! Agad siyang lumapit sa taxi na tumigil. “Ma'am!” halos mamiyok na sigaw ni Joe pero hindi niya pinansin ang lalaki. Tumatakbo ang mga iyon nang lingunin niya. “Tang-ina, bilis!” sigaw nun sa mga kasama pero nagmamadali na siyang sumakay ng taxi. “Saan ma'am?” tanon