Chapter 49 Feeling full, SJ held Stephanie’s waist and simply bobbed his brows. Lintik! Di na sya makapapayag na hindi pa sya umiskor ng 15 points ngayon. Sa hotel na niya dadalhin ang asawa niya para walang istorbo. Gigil na sya kanina pa. Matutuyuan na sya sa isang linggong pagtitiis. At idagdag na rin ang mga panahon na wala syang babae sinula nang magpacute sya kay Stephanie tapos ngayon bibitin-bitinin sya? No way! I'm going to twerk it like SJ this time! Bwisit na! Daming istorbo! Kung hindi lang siya nahihiya sa Mama Caridad niya, lalayasan niya talaga iyon, pero hindi na siya nagsisisi. Masarap ang mga kinain niya. Natanaw niya si Joe, natutulog sa duyan. “Saan natutulog si Joe?” tanong niya sa asawa niya. “Sa sala, sa lapag. Nakakatawa nga kasi unang gabi na natulo