Chapter 41 Napahagulhol si Stephanie nang lagpasan siya ni SJ. Inihatid niya iyon ng tanaw hanggang sa tuluyan iyon na mawala sa paningin niya, nang lumiko iyon sa kalsada. Wala na. Wala na iyon sa buhay niya. Bakit ganun? Hindi sila nagkakaintindihan. Hindi yun sa hindi sila nagkaintindihan, talagang ayaw na ni SJ na pakasalan siya. Aalis na siya sa condo. Tatawagan niya ang mga magulang niya, na huwag ng magpahatid sa mga tauhan ng mga Elizares, dahil wala ng kasalan na magaganap. The end na ang istorya nila ni SJE. Tinapos na nun ang lahat at wala ng balikan pa. Pinahid niya ang mga luha pero hindi maampat ang mga iyon. Ang sakit. Ang sakit dahil may dinadamdam din siya pero hindi niya nasabi roon. She needed comfort, but because she was afraid, she chose to keep it to herself and