" bakit ba kayo naghiwalay ni ronald? May babae ba siya? Bakla siya?ano!" Puro hindi kasi ang sagot ni lita. Nakahiga ako sa itaas ng double deck at nasa ibaba si lita. Malalim na ang gabi nang maalimpungatan ako dahil sa hikbi na naririnig ko na galing kay lita. Sa totoo lang ayoko manghimasok sa love life niya, buhay niya yan at nasaksihan ko na ang pinakamasaklap na mararanasan ng isang taong umiibig at ayokong mangyari sa akin iyon. "Maya, g-gising ka pa pala" baradong ilong netong sabi. Napabuntunghininga ako. Ilang gabi na siyang ganyan. Iyak ng iyak at naiinis na ako, balak ko ng sugurin si ronald at pag-iitakin. "So bakit kayo naghiwalay ni ronald marilita?" tumayo na ako dahil hindi narin naman ako makakatulog saka bumaba ng double deck. Umupo ako sa dulong kama ni lita. "S-sab