Samantha "Anong ginagawa natin rito?" Tanong nya ng ihinto ni Sean ang kotse sa may beach sa dulo ng San Miguel may isang malaking public beach doon, sa pagkaka alam nya mga Alvarez ang may-ari non, at mga Alvarez din ang may-ari sa malaking bahay na nakatirik mismo harap ng dagat. Sabi ng Mommy nya pumapangalawa ang mga Alvarez na pinaka mayaman sa bayan ng San Miguel. Dahil umabot daw sa kabilang bayan ang mga pag mamay-ari ng mga Alvarez. At isama pang ang mga ito ang nagmamay-ari sa naglalakihang palaisdaan sa bayan nila. "Unwind" Malamig na sagot nito at nauna ng bumaba ng kotse. Bumuntong hininga sya at kibit balikat na bumaba ng kotse. Nakita nyang nagtataas ng laylayan ng pantalon si Sean at naghubad din ito ng suot na sapatos bago lumakad sa buhangin. Nanatili muna syang naka