Samantha "Seriously Sam?" Nakakunot noong tanong ni Harvey ng umagang magpasundo sya sa kaibigan. Kitang kita nya ang panlalaki ng mga mata nito ng makita syang lumabas sa gate nila. Tila ito nakakita ng multo ng makita sya. Well, hindi nya masisisi ang kaibigan kung sya nga nagulat din ng makita ang sarili sa salamin kanina. Hindi nya akalahin na magagawa nyang baguhin ang dating itchura na ikinatuwa naman ng Mommy nya, pero kinakunot ng noo ng mga kapatid at wala namang say ang Daddy nya. Tanging ang Mommy lang nya ang nagsabing You are so beautiful Sam. At naniniwala sya na maganda sya. "Why?" Pa inosenteng tanong nya at sinuklay ang malalantik na daliri na kulay pula sa buhok. Nakita nyang napanganga si Harvey at muli sya nitong sinuri mula ulo hanggang paa. Nangako sya sa sarili na

