Nilibot ni Savannah ang buong palasyo ng mag-isa isang araw matapos ang ginawa nilang pagbisita sa Danry Island ng biglaan. They had a talk there, and manage to sort things out. Kahit paano ayos na silang dalawa ni Rion at sinasama na siya nito sa usapan na may kinalalaman sa pulitika. Hinayaan din siya nito na mag-suggest ng maaring gawin upang mas magkaroon ng maraming oportunidad sa lahat ng mamamayan ng Cretia. Sa kanyang paglilibot, dinala siya ng kanyang mga paa sa courtyard kung nasaan nakatayo yung christmas tree na napili nina Rion noong isang araw. Tiningnan niya iyon mula paanan hanggang pinaka-tuktok at kinangiti niya yung mga little drummer boy na disenyo sa bandang ibaba. “Looking for someone, your majesty?” anang tinig na pumukaw sa kanya. “My brother is out of the wild rig