Nabaling kina Rion at Julian ang kanyang atensyon nung parehong tumawa ang dalawa. They're enjoying the whole weekend at Rion's old residence. Malayo sa stress ng palasyo at tanging sila lamang mag-anak ang naroroon. Mahigpit din ang security sa bawat sulok ng lugar na iyon kaya walang media na maaring kumuha sa kanila ng litrato. Iyon din naman ang kanyang gusto simula pa noong una ngunit kakambal na yata ng tinanggap niyang korona ang mga media. Kumpara noong nagsisimula pa lamang sila, nabawasan na ng kaunti ang pagsunod sa kanila ng mga miyembro ng media. Iyon naman ang blessings na hatid sa kanila ni Julian. Somehow, people understands that they're also human who needed a time alone and private life to keep. Hindi niya maiwasang mapangiti habang pinakikinggan ang tawa ng dalawang pin